Balat (anatomiya)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Balat (paglilinaw).
Malapitang pagtingin sa balat ng tao.

Sa larangan ng sootomiya at dermatolohiya, ang balat (na kilala rin bilang iskin) ang pinakamalaking organo ng sistemang integumentaryong binubuo ng maraming patong ng mga tisyung nagbabantay sa mga nakapailalim ng mga masel at mga organo.[1]

Nagkakaibaiba ang mga kulay ng balat sa maraming mga populasyon ng tao, at maaaring tuyo at malangis ang mga kaurian ng balat.

Bilang nagsisilbing tulay-pangugnayan sa kapaligiran, may pinakamahalagang tungkulin ang balat sa pagsasanggalang ng katawan laban sa mga mikrobyong nagdudulot ng mga karamdaman. Ang iba pang mga pangunahing tungkulin nito ay ang pagbibigay-init (insulasyon) at regulasyon ng temperatura, pagdama (sensasyon), paglikha o sintesis ng bitamina D, at pangangalaga ng mga folat ng bitamina B.

Susubukang maghilom ng masyadong napinsalang balat sa pamamagitan ng paglikha ng mga peklat, na karaniwang nagreresulta sa diskolorasyon (pangit na kulay) at depigmentasyon (kawalan ng kulay) ng balat.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Skin care" (analysis) o Pangangalaga ng Balat (pagsusuri) , Health-Cares.net, 2007, webpage:HCcare.
Wikipedia-logo-en.png
Tingnan ang katumbas na artikulo sa English Wikipedia para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.



Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.