Batas na pangkrimen

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang batas na pangkrimen ay isang katawan ng batas na may kaugnayan sa krimen. Isa itong katawan ng mga alituntunin na nagbibigay ng kahulugan o naglalarawan sa kaasalan na hindi pinapayagan dahil nakakapaglalagay sa panganib, nakapagbabanta, nakakasakit o nakakapinsala sa kaligtasan, katiwasayan, at kapakanan ng mga tao. Itinatakda rin ng batas na pangkrimen ang kaparusahan na ipapataw sa mga tao na hindi sumusunod sa mga batas na ito. Naiiba ang batas na pangkrimen mula sa batas na sibil na nagbibigay ng diin sa paglulutas ng hindi pagkakasundo sa halip na pagpaparusa.


Batas Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.