Bhumibol Adulyadej

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Haring Bhumibol, Thailand.

Si Haring Bhumibol Adulyadej (Thai: ภูมิพลอดุลยเดช); (IPA: pʰuːmipʰon adunjade); (Institusyong maharlika: Phumiphon Adunyadet); (tungkol sa tunog na ito pakinggan ) (ipinanganak Lunes, 5 Disyembre 1927 sa taon ng mga kuneho), ay ang kasalukuyang hari ng bansang Taylandiya. Opisyal na tinatawag bilang "the Great" (Thai: มหาราช, Maharaja), siya ay kilala rin bilang Rama IX. Ang kanyang pangalan, Bhumibol Adulyadej, ay nagkakahulugang tibay ng sangkalupaan, walang kahambing ang kapangyarihan" ("Strength of the Land, Incomparable Power").[1] Nanunungkulan mula pa noong 9 Hunyo 1946, siya ay isa sa mga pinakamahabang panunungkulan sa mga hari sa kasaysayan ng buong mundo.[2]

Datapwat si Bhumibol ay isang haring konstitusyonal, siya ay sa maraming pagkakataon, nagkaroon ng mga desisyon na nagkaroon ng epekto sa politika ng Taylandiya, kasama na ang krisis pampolitika noong taong 2005-2006. Siya ay itinuturing na susi sa pagbabagong demokratiko ng bansa noong dekada 90, ngunit sa mas maagang panahon ng kanyang panunungkulan ay sinuportahan niya ang rehimeng militar. Sa kasalukuyan, in-endorso niya ang military junta na nagpatalsik sa rehimen ni Thaksin Shinawatra noong kudeta ng taong 2006. Isang bilyonaryo at isa sa mga pinakamayamang tao sa buong mundo, ginamit ni Bhumibol ang ilang bahagi ng kanyang kayamanan upang pondohan ang mga proyektong pampaunlad lalo na sa mga kabukiran. Siya ay popular sa buong Taylandiya at pinaniniwalaang kalahating-banal (semi-divine) ng ilang Thai. Ang kanyang mga kritiko, na karamihan ay nasa labas ng bansa, ay isinisisi ito sa supresyon o pagpigil ng kritisismo laban sa hari at ng kanyang rehimen.[3]

Kapanganakan at titulo[baguhin]

Si Bhumibol ay ipinanganak sa Ospital ng Mount Auburn sa Cambridge, Massachusetts, sa Estados Unidos. Siya ang nakababatang anak ni Prinsipe Mahidol Adulyadej at ni Srinagarindra (Mom Sangwal) na naging Ang Kanyang Kamahalan Prinsesa Srinagarindra, Prinsesang Ina: Somdet Phra Si Nakharinthra Boromaratchachonnani. Sa panahon ng kanyang kapanganakan, kinilala siya sa buong bansa bilang Phra Worawongse Ther Phra Ong Chao Bhumibol Adulyadej (พระวรวงศ์เธอ พระองค์เจ้าภูมิพลอดุลยเดช), na nagpapakita na ang kanyang ina ay isang hindi maharlika. Kung naipanganak siya ng mas maaga ng ilang taon, bago pa man naipasa ng kanyang tiyuhin ang batas na tinatanggap ang mga anak ng isang prinsipe at hindi maharlika na tawaging Phra Ong Chao (isang prinsipe na may mas mababang katungkulan sa isang maharlikang prinsipe), siya ay tinawag sana bilang Mom Chao (ang pinakamababang uri ng mga prinsipe) ganun din sa kanyang kapatid na lalaki na si Ananda Mahidol (nakatatanda) at ng kanyang kapatid na babae na si Galyani Vadhana (nakababata).[4]

Siya ay pumunta sa Taylandiya noong 1928, pagkatapos makatamo ni Prinsipe Mahidol ng katibayan sa Harvard. Siya ay dumalo ng daglian sa Mater Dei School pero dinala ng ina niya ang pamilya sa Suwisa, kung saan pinagpatuloy niya ang edukasyon sa Ecole Nouvelle de la Suisse Romande. Natamo niya ang baccalauréat des lettres(diploma sa mataas na paaralan na may kursong Panitikang Pranses, Latin at Griyego) sa Gymnase Classique Cantonal ng Lausanne at nag-aral ng agham sa Unibersidad ng Lausanne nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at bumalik ang pamilya sa Taylandiya.

Mga batayan[baguhin]

Wikipedia-logo-en.png
Tingnan ang katumbas na artikulo sa English Wikipedia para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Bhumibol Adulyadej ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.

  1. Wimuttanon, Suvit (ed.) (2001). Amazing Thailand (special collector's edition). World Class Publishing. pp. pahina 33. ISBN 974-91020-3-7. 
  2. "A Royal Occasion speeches". Worldhop.com Journal. 1996. http://www.worldhop.com/Journals/J5/ROYAL.HTM. Nakuha noong 5 Hunyo 2006. .
  3. Macan-Markar, Marwaan (24 Mayo 2006). "MEDIA-THAILAND: A Critic May Now Look at a King". AsiaMediaForum. http://www.asiamediaforum.org/node/441. Nakuha noong 14 Agosto 2006. .
  4. "Ang Dakilang Pamilya Chakri". Tudtu. http://members.tripod.com/~tudtu/chakri.html. Nakuha noong 13 Agosto 2006. .