Lunes

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang larawan ng buwan ayon sa pagkakaguhit ni Galileo taong 1616. Hango sa saling Latin ang pangalan ng araw sa pagitan ng Linggo at Martes.

Ang Lunes ay isang araw ng linggo sa pagitan ng Linggo at Martes. Ito ay pangalawa sa tradisyonal na linggo at una sa linggong pangnegosyo. Galing sa wikang Kastila ang salitang ito na galing naman sa salitang Lunae dies o "araw ng buwan". Ang salin ng Lunes sa wikang Inggles ay "Monday" na galing naman sa Mona, ang diyos ng buwan ng mga Saxones.

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang salitang "Lunes" ay hango sa salitang Latin na "Luna" na ang ibig sabihin ay buwan. Ang latinong salitang Luna rin ang pinagmulan ng ilang mga salitang nag-ugat sa Latin tulad ng Italyano (Lunedi), Pranses (Lundi), Espanyol (Lunes) at Romanong (Luni) mga pangalan.

Posisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa ibat ibang kultura at bahagi ng mundo, ang Lunes ay itinuturing na unang araw ng Linggo. Ito ang kaso sa maraming Europeong bansa, sa ilang bahagi ng Africa, Timog America at sa Australia. Sa ilang bahagi ng Asya, ang Lunes rin ang tinuturing na "araw ng panimula." Sa Tsina, ang Lunes ay binabaybay bilang xingqi yi (星期一) na nangangahulugang, "unang araw ng linggo." Ito rin ang unang araw ng linggo kung ang pagbabatayan ay ang paggamit ng International Standard, ISO 8601.

Gayumpaman, sa mga Hudyo-Kristiyanong kultura at paniniwala, ang Lunes ang pangalawang araw, kasunod ng Linggo. Ito ang sinusunod na format sa Canada, Estados Unidos at Pilipinas. Ang salin sa wikang Arabo, Portuges, Hebreo, Persa (Persian), at Syriac ay nangangahulugan ng "pangalawang araw"

Ang Lunes rin ang tinutukoy na unang araw ng pagtatrabaho, pagpasok sa paaralan, at sa negosyo.

Lunes, Sa Relihiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Hudaismo at Islam[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang araw ng Lunes ay tinuturing na mabuting panimula ng pagtitika. Taliwas ito sa inabiso sa sulating Didache kung saan ang mga Kristiyano ay pinayuhan na magsimula ng pagtitika sa araw ng Miyerkules, imbes na Lunes upang maiwasan ang pagiging makahudyo.

Tuwing Lunes rin isinasagawa ang pampublikong pagbabasa ng tora at ang mga espesyal na panalangin ng pagsisisi. Gayumpaman, ang gawaing ito ay nakakansela kung mayroong espesyal na okasyong pangkasihayan.

Silanganing Orthodokso[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Silanganing Orthodoksong mga simbahan, ang Lunes ay ang araw kung saan ang mga anghel ay kinikilala o ginugunita. Ang Octoechos ay nagtataglay ng mga himno na may ganitong layunin, at nasasaayos sa walong-linggong siklo. Ang mga himnong ito ay inuusal tuwing mga Lunes ng buong taon. Sa katapusan ng Banal na Serbisyo tuwing Lunes, ang pagwawakas ay inihuhudyat ng pangwakas na pagbating: "Nawang si Kristong Iisang Diyos, sa pamamagitan ng pananalangin ng Kaniyang Inang walang Bahid Kasalanan, ng mga kagalang galang, at ng mga Anghel sa Langit ..."

Sa ilang silanganing monasteryo, ang Lunes ay siyang araw ng pagtitika, dahil ito ay inaalay sa mga anghel. Sa araw na ito ang mga monghe ay namumuhay wangis ng mga anghel. Sa mga monasteryo ring ito, maliban na lamang kung mayroong espesyal na kapistahan, ang pagkain o pagkonsumo ng karne, isda, alak at langis ay ipinagbabawal.

Mga araw na isinunod ang katawagan sa Lunes[baguhin | baguhin ang batayan]

Ilang mga kaganapan sa Kanluraning bansa, ang isinunod sa Ingles na salin ng Lunes. Ang ilan sa mga ito ay hindi bahagi ng kulturang Pilipino.

Ang mga sumusunod ay mga kaganapan na inoobserbahan sa Pilipinas.

Mga salin[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Arabo: يَوْم الإثْنَيْن
  • Tsino (Pinasimple): 星期一
  • Tsino (Tradisyunal): 星期一
  • Czech: pondělí
  • Danish: mandag
  • Dutch: maandag
  • Estonian: esmaspäev
  • Finnish: maanantai
  • Pranses: lundi
  • Aleman: der Montag
  • Griyego: Δευτέρα
  • Hungarian: hétfő
  • Icelandic: mánudagur
  • Indonesian: Senin
  • Italyano: lunedì
  • Hapon: 月曜日
  • Koreano: 월요일
  • Latvian: pirmdiena
  • Lithuanian: pirmadienis
  • Norwegian: mandag
  • Polish: poniedziałek
  • Portuguese (Brazil): segunda-feira
  • Portuguese (Portugal): segunda-feira
  • Romano: luni
  • Ruso: понедельник
  • Slovak: pondelok
  • Slovenian: ponedeljek
  • Kastila: lunes
  • Swedish: måndag
  • Turko: Pazartesi (günü)

Tignan[baguhin | baguhin ang batayan]

Wiktionary-logo-en.png
Tingnan ang Lunes sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.