Binti

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Binti
Gray1240.png
Lateral aspect of right leg
Latin membrum inferius

Sa karaniwang gamit, ang binti[1] ay ang mga pang-ibabang sanga ng katawan ng tao o hayop, na umuusbong mula sa balakang patungong bukung-bukong, at kabilang ang hita, tuhod, at ang cnemis.[2] Ang femur ang pinakamalaking buto sa katawan ng tao na nasa loob ng binti,[3] na nakalatag sa pagitan ng tuhod at bukung-bukong,[4][5]

Ang binti ang mga pang-ibabang sanga na nagsisilbing panukod o suporta sa kabuoan ng katawan ng isang hayop, at nagagamit para sa paggalaw tulad ng paglakad at pagtakbo (o lokomosyon). Kadikit ito ng paa na nagsisilbing suporta sa pagkalat ng timbang ng isang hayop habang nakatayo sa lupa. Sa mga hayop na vertebrata at may dalawang mga paa, tinatawag ang dalawang pang-ibabang mga sanga bilang mga binti at ang mga pang-itaas na sanga bilang mga braso, o kaya mga pakpak sa kaso ng mga ibon o paniki.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.