Bitak na pampitso

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bitak na pampitso
Latin cavitas thoracis
Batay kay Gray paksa bilang 136 524
Dorlands/Elsevier Thoracic cavity
Bitak na pampitso, na tinatanaw magmula sa kaliwa. Tinanggal ang mga baga, sa piling ng mga iba pa.

Ang bitak na pampitso, bitak ng dibdib o bitak na torasiko (Ingles: thoracic cavity, chest cavity) ay ang bitak sa katawan ng tao (at iba pang mga katawan ng hayop) na napuprutektahan ng dingding na pampitso (hawlang pampitso at kaugnay na balat, kalamnan o masel, at senepa).

Kabilang sa pook na pampitso ang mga tendon pati na ang sistemang kardiyobaskular na maaaring mapinsala dahil sa kapinsalaan sa likuran, gulugod o leeg.

Mga bumubuo[baguhin]

Kabilang sa mga kayariang nasa loob ng bitak na pampitso ang mga sumusunod:

Bitak na pampitso sa isang fetus.

Naglalaman ito ng tatlong potensiyal na mga puwang na naguguhitan o nahahanayan ng mesotelyum: ang magkaparis na mga bitak na pleural at ang bitak na perikardiyal. Nakasanib sa mediastinum ang mga organong nakahimlay sa gitna ng dibdib na nasa pagitan ng mga baga.

Kahalagahang pangklinika[baguhin]

Kapag nasira ang bitak na pleural magmula sa labas, na katulad ng sa pamamagitan ng isang bala ng baril o ng isang sugat na dulot ng panaksak, maaaring magresulta ang pinsala ng isang pneumothorax (numotoraks), o hangin sa loob ng bitak. Kapag malaki ang dami o bolyum ng hangin, maaaring lumubog o gumuho ang isa o dalawang mga baga, na nangangailangan ng kaagad na pagpansin at pagtuon na pampanggagamot.

Mga sanggunian[baguhin]


AnatomiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.