Brachiosaurus

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Brachiosaurus (paglilinaw).
Brachiosaurus
Hangganan ng fossil: Huling Hurasiko - Maagang Kretasyo?
Kalansay ng Brachiosaurus brancai sa Berlin.
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Sauropsida
Superorden: Dinosauria
Orden: Saurischia
Suborden: Sauropodomorpha
Impraorden: Sauropoda
Pamilya: Brachiosauridae
Sari: Brachiosaurus
Riggs, 1903
Mga uri
Mga kasingkahulugan
  • Giraffatitan Paul, 1988

Ang Brachiosaurus[1] (bigkas: /ˌbrækiəˈsɔrəs/, o [/bra-kyo-saw-rus/]), na nangangahulugang "butiking may baraso" o "butiking may bisig", mula sa sinaunang Griyegong brachion/βραχιων para sa "bisig" o "baraso" at sauros/σαυρος para sa "butiki", ay isang sari ng sauropodang dinosauro na namuhay noong mga Panahon ng Huling Hurasiko at maaaring noong Panahon ng Maagang Kretasyo. Pinangalanan ito ng ganito dahil sa mga pangharapan nitong mga "bisig" o "baraso" (mga paa, sa katunayan) na mas mahaba kaysa sa mga panlikod na paa. Isa sa pinakamalalaking mga hayop na napag-aalamang lumakad sa mundo, ito ang naging isa sa pinakabantog sa lahat ng mga dinosauro at malawakang kinikilala sa buong daigdig.

Sanggunian[baguhin]

  1. Harvey, Anthony, Barry Cork, Maurice Allward, Teresa Ballús (tagapagsalin), Roser Oromi (tagapagsalin), atbp.. (1978). "Brachiosaurus". Qué Sabes del Universo 1 (orihinal na pamagat: New World of Knowledge: Our Earth and the Universe). Ediciones Nauta, S.A. (nilimbag sa Espanya) / William Collins Sons and Company Limited, ISBN 84-278-0441-5, ISBN 84-278-0453-9., pahina 65.