Bulutung-tubig

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Bulutong (paglilinaw).
Isang batang may bulutong-tubig.

Ang bulutong-tubig o bulutung-tubig[1] (Ingles: chickenpox), na nakikilala rin bilang varicella ay isang uri ng karamdaman na kakikitaan ng pamamaltos at singaw sa balat na may kasamang pangangati, lagnat, at pagkahapo.[2] Nakapag-iiwan ito ng mga pekas o peklat sa ibabaw ng balat. Dahil sa mga ito, maaaring magkaroon ang may ganitong sakit ng matinding impeksiyon ng balat, mga pilat, pulmunya, pinsala sa utak, o kaya ay kamatayan. Gayondin, pagkalipas ng ilang mga taon, maaaring lumitaw muli ang sakit na ito bilang isang uri ng "buni", na nakikilala sa Ingles bilang herpes zoster o shingle, isang masakit na singaw sa balat. Ang karamdang ito ay nakakahawa ng ibang tao sa pamamagitan ng hangin. Maaari ring kumalat ang bulutong-tubig sa pamamagitan ng pagkakadikit sa likidong nanggaling sa paltos na dulot ng karamdamang ito. Bago nalikha ang bakuna laban sa bulutong-tubig, naging malaganap muna ang karamdamang ito sa Estados Unidos.[2]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Panggagamot Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.