Bundok Hamiguitan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bundok Hamiguitan
Tuktok ng Bundok Hamiguitan
Taas 1,620 m (5,315 ft)
Pagkausli 1,497 m (4,911 ft) [1]
Lokasyon
Bundok Hamiguitan is located in Philippines
Bundok Hamiguitan
Kinaroroonan ng Bundok Hamiguitan sa Pilipinas
Lokasyon Davao Oriental, Pilipinas
Ranggo Hamiguitan Mountain Range
Koordinato

6°44′24″N 126°10′54″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga koordinato: 6°44′24″N 126°10′54″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator

[1]
Geology
Uri Stratovolcano

Ang Bundok Hamiguitan /ha·mi·gi·tan/ ay isang bundok na matatagpuan sa Davao Oriental sa Pilipinas. May taas itong 1,620 metro (5,315 talampakan). Ang bundok at ang palibot nito ay isa sa may pinakamalaksang populasyon ng buhay-ilang sa Pilipinas. Ilan sa mga buhay-iláng na matatagpuan sa lugar ay ang Haribon at maraming species ng Nepenthes. Ang ilan sa hulí, gaya ng Nepenthes peltata ay endemiko sa lugar.[2] May lawak na 2,000 ektarya ang protektadong kagubatan ng bundok. Kilalá ang kagubatan nito dahil sa mga matatandang punò na bansot[3] sa lupang ultramafic, na nagtataglay ng maraming nanganganib nang maubos, endemiko at bihirang species ng flora at fauna.[4][5]

Ang Kabundukang Hamiguitan, na may lawak na 6,834 ektarya (68.34 km²), ay idineklarang pambansang parke at santuwaryo ng buhay-iláng noong 2003.[6] Noong 2009, isinumite ng mga opisyal ng lalawigan ng Davao Oriental ang parke upang maitala bilang UNESCO World Heritage Site.[5][3]

UNESCO World Heritage Site[baguhin]

Sa ika-38 Sesyon ng World Heritage Committee sa Doha, Qatar noong 23 Hunyo 2014, inaprubahan ang pagkakatalâ ng Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary bilang isang World Heritage Site.

Mga sanggunian[baguhin]