Pumunta sa nilalaman

Cariñosa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Carinosa (sayaw))
Tumuturo ang karinyosa dito. Para sa diwa ng pagiging makarinyosa, pumunta sa malambing.

Ang cariñosa ay isang uri ng panrarahuyong sayaw sa buong Kapuluan ng Pilipinas na may pinagmulan ng mga Hispano. Ang sayaw ay ginagamitan ng pamaypay at panyo.

Ang tugtog ng cariñosa ay nagpapakita ng malaking impluwensiya ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ay may ¾ sa kumpas gaya ng ilang mga sayaw na Kastila. Ang rondalla ang tumutugtog sa tugtog ng sayaw kung saan ito ay isang pangkat o isang orkestra ng mga instrumentong na may pisi na binubuo ng mga bandurya, mandolin, gitara, triyangle, tambol at banjo. Kadalasang lalaki ang tumugtog sa rondalla.

Galaw at indak

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang babae ay may hawak na abaniko o panwelo kung saan siya'y patago-tago sa kanyang napupusuan na nagsasaad na ibig rin niya ang lalake subalit hindi pa niya ito masagot ng oo, samantalang gayon din ang binata na humahabol-habol at nagpapahiwatig na sinisinta rin niya ang dalaga. Ang sayaw na ito ay napakaraming bersiyon subalit ang indak ng pagtataguan ay isang pangkaraniwan na sa kahit saan mang panig ng Pilipinas.

Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.