Death Note

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Death Note
デスノート
Genre Psychological thriller, Supernatural thriller, Mystery
Manga
Death Note
Tagalikha Tsugumi Ohba
Ilustrador Takeshi Obata
Tagalathala Watawat ng Japan Shūeisha
Magasin Weekly Shonen Jump
Orihinal na Pagpapalabas Disyembre 2003Mayo 2006
Bolyum 12
Telebisyong Anime
Studyo Madhouse
Istasyon Nippon Television
Ang Portada ng Anime at Manga

Ang Death Note ay isang seryeng manga at anime na isinulat ni Tsugumi Ohba at iginuhit ni Takeshi Obata. Ang mga pangunahing tauhan ng anime at manga ay si Light Yagami, isang magaaral ng highschool na naka diskubre ng isang misteryosong notebook na tinatawag na Death Note. Ang Death Note ay isang notbook na kung saan nahulog ng isang Shinigami (Diyos ng Kamatayan) na nagngangalang Ryuk. Ito ay may kapangyarihan na kung saan magagawa nitong mapatay ang sinumang tao kapag naisulat ang pangalan nito at alam ng sumulat ang itsura't mukha ng taong tinutukoy. Ang serye ay tumutukoy sa ideyalismo ni Light na gumawa ng bagong mundo na hindi nababahiran ng kasamaan sa pamamagitan ng pagpatay sa mga masasamang loob. At ang pagpigil ng isang Detective na nagngangalang L sa kanyang mga plano.

Pangunahing Tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

Light Yagami - Si Yagami Light ang pangunahing tauhan ng Death Note ng ito ay matagpuan niya sa kanyang paaralan. Ginamit niya ang Death Note upang mawala ang bahid ng kasamaan sa mundo sa pamamagitan ng pagpatay ng mga kriminal at mga masasamang loob. Dahil dito nakilala siya sa pangalang Kira at kinatakutan ng mga nakararami.

Si Light ay kilala bilang isang matalinong magaaral ngunit siya'y nababagot sa mga kaganapan sa kanyang buhay. Siya ay naiinis sa mundo sa kawalan ng hustisya ng mga tao. Sa paniniwalang ang mundo ay 'bulok' sa sistema at mga kaganapan ginamit niya ang Death Note upang malinis niya ang kasamaang pumapalibot sa mundo sa pamamagitan ng pagpatay sa mga kriminal. Higit sa lahat, ninais niyang maging Diyos sa kanyang bagong mundo.

L - Si L ay isang super detective na tumutugis upang hulihin si Kira. Maliit at Payat ang pangangatawan at naka baluktot na postura ang unang mapapansin kay L. Bukod dito, si L ay makikitaan din ng malaking eye bags dala na rin ng kakulangan ng Tulog. Lagi niyang suot suot ang puting long sleeves at pantalon. Madalas siyang naglalakad ng walang suot na sapatos at palaging naka paa lamang. Si L ang tipo ng tao kung saan hindi agad agad siya nag titiwala kaninuman maliban na lang sa kanyang kasamahang nagngangalang Watari na umampon sa kanya noong siya'y bata pa. Lingid sa kaalaman ng nakararami si L ay napakatalino. Patibay dito ay ang respeto ni Kira sa kanyang katalinuhan at pagkilala sa kanya na pinaka matibay na kanyang nakaaway. Sa murang edad ay marami na siyang na resolbang mga kaso sa buong mundo ngunit kakaunti lamang ang nkakakilala sa kanya.

Ugnay Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]



Anime Ang lathalaing ito na tungkol sa Anime ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.