Deliryo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang deliryo ay isang gusot, gulo, o kaguluhan ng isip. Mailalarawan sa malawak na kahulugan ang deliryo bilang isang sakit, dipirensya, o kapansanan sa kaisipan na may pagkahibang, asak, paglilibat o pagkalibat, pagka-bangag, pagka-"durog", at hindi mapigil na sobrang damdamin o emosyon at kasiglahan o kasiyahan.[1][2] Tinatawag na deliryante o nagdedeliryo ang taong may deliryo.[1] Sa larangan ng medisina, mas espesipikong ginagamit ng mga manggagamot ang katawagang deliryo para ilarawan ang mga pasyenteng may nawalang bahagi o lahat ng kakayanang magtuon ng pansin. Mayroon ang ganitong mga tao ng mga suliranin sa konsentrasyon o makaalala ng mga bagay o mga tao.

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L.. "Delirium, deliryo". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Delirium". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 50.


Panggagamot Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.