Demograpiya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang populasyon ng mundo.

Ang Demograpiya ay ang estatistikal na pag-aaral ng populasyon ng tao. Ito ay maaaring malawak na agham at maaaring gamitin sa kahit anong uri ng dinamikong populasyon ng tao. Ito ay kinapapalooban ng pag-aaral ng laki, estruktura at pamamahagi ng mga populasyon, at ang malawak at mapanahong pagbabago nito ayon sa ipinapanganak, migrasyon, pagtanda at pagkamatay.

Ang pagsusuring demograpiko ay maaaring gamitin sa lahat ng lipunan o sa pangkat na tinukoy ayon sa pamantayan gaya ng edukasyon, kabansaan, relihiyon, at etnisidad. Sa Akademya, ang demograpiya ay kadalasang tinutukoy na sangay ng alinman sa antropolohiya, ekonomiya, o sosyolohiya.[1]


Mga sanggunian[baguhin]

  1. Andrew Hinde Demographic Methods Ch. 1 ISBN 0-340-71892-7


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.