Pumunta sa nilalaman

Denise Barbacena

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Denise Barbacena
Pangalan noong ipinanganakDenise Ysabel Barbacena
Kapanganakan (1994-11-02) 2 Nobyembre 1994 (edad 29)
Maynila, Pilipinas
GenreHip hop, alternative hip hop
Trabahorapper, mang-aawit, artista
InstrumentoBoses
Taong aktibo2011–kasalukuyan
LabelJive]] (Sony Music), Universal, GMA Records

Si Denise Ysabel Barbacena (ipinanganak Nobyembre 2, 1994[1]) ay isang mang-aawit, komedyante, artista na mula sa Pilipinas at unang nakilala bilang isa sa mga sumali sa reality television na palabas na Protégé: The Battle For The Big Break, na ginawa ng GMA Network. Siya ang naging opisyal protehido o protégé ni Gloc-9.[1]

Pagkatapos ng kanyang pagkasali sa Protégé, nagsama sila ni Gloc-9 sa mga awitin, tulad ng "Hari ng Tondo" at "Dapat Tama".[2] Bilang isang aktres, lumalabas siya sa Bubble Gang[2] bilang komedyante at gayon din sa iba pang palabas sa telebisyon tulad ng A1 Ko Sa 'Yo,[3] Legally Blind[1] at Little Nanay.[1] Napasali din siya bilang isa sa mga pangunahing tauhan sa pelikulang indie o malaya na 1st ko si 3rd.[4]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Denise Barbacena | GMANetwork.com - Artist Center - Talents". GMA Network. Nakuha noong Agosto 23, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Portillo, Samanta; Estrada, Bochic (Oktubre 25, 2013). "Denise Barbacena embraces comedy as her newfound love". GMA News. Nakuha noong Agosto 23, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Carballo, Bibsy M. (Mayo 26, 2016). "Coming soon: Kapuso sexy comedy". philstar.com. The Philippine Star. Nakuha noong Agosto 23, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "1st ko si 3rd". Cinemalaya official page. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 23, 2017. Nakuha noong Agosto 23, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)