Dimensiyon
Heometriya | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
|
||||||||||
Apat- / ibang-dimensiyonal |
||||||||||
Mga heometra | ||||||||||
ayon sa pangalan
|
||||||||||
ayon sa panahon
|
||||||||||
Sa pisika at matematika, ang dimensiyon o sukat ng isang isang espasyong (o bagay na) pang-matematika ay impormal na binibigay kahulugan bilang ang pinakamababang bilang ng mga kinakailangang koordinado upang tukuyin ang kahit anumang punto sa loob nito.[1][2] Kaya, may isang dimensiyon (1D) ang isang linya dahil isang koordinado lamang ang kailangan upang tukuyin ang isang punto nito – halimbwa, ang puntong 5 sa isang linyang bilang. Mayroon isang dimensiyon ang isang ibabaw, tulad ng hangganan ng isang silindro o espera, na may dimensiyong dalawa (2D) dahil kailangan ang dalawang koordinado upang matukoy ang punto nito – halibawa, kinakailangan ang parehong latitud at longhitud upang mahanap ang isang punto sa ibabaw ng espera. Isang dalawang-dimensiyonal na espasyo ang isang dalawang-dimensiyonal na espasyong Euclidiyano sa plano. Tatlong-dimensiyonal (3D) ang loob ng isang kubiko, silindro o espera dahil kailangan ang tatlong koordinado upang mahanap ang isang punto sa loob ng mga espasyo.
Sa mekanikang klasika, ang espasyo at oras ay magkahiwalay na mga kategorya at tumutukoy sa ganap na espasyo at oras. Ang palagay ng mundo na iyon ay isang espasyong apat-na-dimensiyon subalit hindi ang isa na nahanap na kailangan upang isalarawan ang elektromagnetismo. Binubuo ang apat na dimensiyon (4D) ng espasyo-oras ng mga pangyayari na hindi ganap na nabibigyan kahulugan ng espasyo at oras subalit sa halip, kilala ito relatibo sa mosyon ng nagmamasid. Unang tinataya ng espasyong Minkowski ang uniberso na walang grabedad; sinsalarawan ng baryedad na sudo-Riemanniyana ng pangkalahatang relatibidad ang espasyo-oras na may materya at grabedad. Ginagamit ang 10 dimensiyon upang isalarawan ang teoryang superkuwerdas (6D hiperespasyo + 4D), maaring isalarawan ng 11 dimensiyon ang supergrabedad at teoriyang-M (7D hiperespasyo + 4D), at ang estadong-espasyo ng mekanikang kuwantika ay walang-hanggang-dimensiyonal na espasyong punsyon.
Hindi nalilimitahan ang konsepto ng dimensiyon sa mga bagay pisikal. Madalas lumalabas sa matematika at mga agham ang espasyong mataas-na-dimensiyonal. Maari silang mga espasyong Euclidiyano o mas pangkalahatang mga espasyong parametro o mga espasyong kumpigurasyon tulad ng sa mekanikang Lagrangiyana o Hamiltoniyana; ito ang mga espasyong basal, malaya sa espasyong pisikal.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Curious About Astronomy" (sa wikang Ingles). Curious.astro.cornell.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-01-11. Nakuha noong 2014-03-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MathWorld: Dimension" (sa wikang Ingles). Mathworld.wolfram.com. 2014-02-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-25. Nakuha noong 2014-03-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)