Dorothy Dandridge

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Dorothy Dandridge
Si Dorothy Dandridge bilang "Mahia" in the trailer from the M-G-M thriller The Decks Ran Red (1958)
Kapanganakan Dorothy Jean Dandridge
9 Nobyembre 1922(1922-11-09)
Cleveland, Ohio, U.S.
Kamatayan 8 Setyembre 1965 (edad 42)
West Hollywood, California, U.S.
Sanhi ng kamatayan Drug overdose
Hanapbuhay Actress, singer
Mga taon ng kasiglahan 1934–65
Asawa Harold Nicholas (1942-1951)
Jack Denison (1959-1962)
Anak Harolyn Suzanne Nicholas

Si Dorothy Jean Dandridge (9 Nobyembre 1922 – 8 Setyembre 1965) ay isang Amerikanang aktres at mang-aawit ng musikang popular, at ang unang Aprikano-Amerikanong nanomina para sa isang gantimpalang pang-Akademya bilang pinaka mahusay na Aktres.[1] Nagtanghal siya bilang isang bokalista sa mga lugar na tanghalang katulad ng Cotton Club at ng Apollo Theater.

Pagkaraan ng ilang hindi pangunahing kapyanggot na papel sa mga pelikula, nakatanggap si Dandridge ng unang natatanging gampaning pampelikula sa Tarzan's Peril (kinabibidahan ni Lex Barker), noong 1951. Napagwagian niya ang una niyang gampaning pambida noong 1953, na gumaganap bilang isang guro sa isang pelikulang may maliit na puhunan na pinamagatang Bright Road, na kinasasangkutan ng mga tauhang halos lahat ay itim ang kulay ng balat, isang pelikulang pinamudmod ng Metro-Goldwyn-Mayer.

Noong 1954, nakatanggap siya ng nominasyon para sa isang Gantimpalang Akademya bilang Pinaka Mahusay na Artistang Babae at isang Gantimpalang BAFTA bilang Pinaka Mahusay na Aktres sa isang Pangunahing Papel para sa Carmen Jones, at nanomina noong 1959 para sa isang Gantimpalang Ginintuang Globo para sa Pinaka Mahusay na Aktres sa isang Musikal o Komedya ng Pelikulang Gumagalaw para sa Porgy and Bess. Noong 1999, naging paksa siya ng pelikulang pangtalambuhay na Introducing Dorothy Dandridge ng HBO, na kinabibidahan ni Halle Berry bilang si Dandridge. Kinilala si Dandridge sa Lakaran ng Katanyagan ng Hollywood.

Nakasal si Dandridge at nakipagdiborsiyo ng dalawang beses, una sa mananayaw at tagapaglibang na si Harold Nicholas (ang ama ng kanyang anak na babaeng si Harolyn Suzanne) at pagkaraan ay kay Jack Denison. Namatay si Dandridge dahil sa isang hindi sinasadyang labis na dosis ng gamot sa gulang na 42.[2] Noong 2011, napangalanan si Dandridge bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[3]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Potter, Joan (2002). African American Firsts: Famous Little-Known and Unsung Triumphs of Blacks in America. Kensington Books. pp. 81. ISBN 0-7582-0243-1. 
  2. Bob McCann (2010). Encyclopedia of African-American actresses in film and television. McFarland & company. pp. 87–90. http://books.google.com/books?id=X7ZYsnTPIhwC&pg=PA87. Hinango noong 29 Enero 2011. 
  3. "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. http://www.menshealth.com/sex-women/hottest-women-all-time. Hinango noong 27 Marso 2012. 



TalambuhayPelikulaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pelikula at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.