Dylan Ababou

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Dylan Ababou ay isang mahusay na manlalaro sa kupunan ng University Athletic Association of the Philippines o UAAP bilang kinatawan ng University of Santo Tomas. Kinikilala siya hindi lamang sa husay ng kaniyang laro, kundi pati na rin sa kaniyang pagiging isang masipag na mag-aaral. Sa edad na dalawampu't-isa, siya ay inaasahan na magiging isang tanyag na manlalaro ng ating bansa sa darating na panahon.

Pinanganak noong Disyembre 7, 1986 sa Lungsod ng Quezon, si Dylan ay ang nagiisang supling ng pagmamahalan ng kaniyang inang Filipino at ng kanyang ama na isang Moroccan. Nag-aral at nagtapos siya ng kaniyang mababa at mataas na aralin sa Pamantasan ng Siena o Siena College sa Lungsod Quezon, at naging kakampi ng ilang mahuhusay na manlalaro na sila Ramon Deleon (PCCR), Christian Anlacan (St.Vincent School) at Raphael Garcia (Mapua) bago ito lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan siya ngayon ay isang mag-aaral ng kursong Behavioral Science sa Faculty of Arts and Letters.

Sa taong 2009, kabilang si Dylan Ababou sa binuong Smart RP Team na itinakdang ibayo pang pagsasanayin bilang paghahanda upang katawanin ang Pilipinas sa mga darating na kompetisyon sa iba't-ibang bansa.
Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.