Edukasyong sekundarya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang edukasyong sekundarya (Ingles: secondary education, literal na "edukasyong pampangalawa") ay isang baitang o hakbang sa edukasyon na kasunod ng edukasyong primarya. Maliban na lamang sa mga bansa kung saan ang edukasyong primarya o basiko lamang ang kompulsoryo o dapat daluhan, ang edukasyong sekundarya ay kinabibilang ng pinakahuling baitang ng edukasyong kompulsoryo at sa maraming mga bansa ito ay talagang kompulsoryo o "sapilitan". Ang kasunod na baitang ng edukasyon ay karaniwang mas mataas na edukasyon (ang dalubhasaan o ang pamantasan). Ang edukasyong sekunarya ay kinatatangian ng transisyon o paglipat magmula sa edukasyong primarya para sa mga may menor na edad papunta sa edukasyong tersiyaryo, post-sekundaryo, o mas mataas na edukasyon (iyong sa unibersidad o paaralang bukasyunal) para sa mga adulto na. Batay sa sistema, ang mga paaralan para sa panahong ito o isang bahagi ng panahong ito ay maaaring tawaging paaralang sekundarya, hayskul, himnasyo, liseo, paaralang panggitna, ikaanim na porma, kolehiyong pang-anim na porma, paaralang pambokasyon at mga paaralang preparatoryo o mga paaralang panghanda para sa pagtuntong sa pamantasan, at ang tumpak na kahulugan ng anuman sa mga ito ay nagkakaiba-iba sa pagitan ng mga sistema ng edukasyon.


Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.