Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng V. Mapa

Mga koordinado: 14°36′14.88″N 120°01′02.05″E / 14.6041333°N 120.0172361°E / 14.6041333; 120.0172361
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estasyong V. Mapa ng LRT)
V. Mapa
Manila MRT Line 2
Estasyon ng Victorino Mapa
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonBulebar Magsaysay, Santa Mesa, Maynila
Koordinato14°36′14.88″N 120°01′02.05″E / 14.6041333°N 120.0172361°E / 14.6041333; 120.0172361
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon
Pinapatakbo ni/ngSistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila
LinyaMRT-2
PlatapormaGilid ng batalan
Riles2, 1 reserba (sa pagitan ng Estasyon ng J. Ruiz at V. Mapa)
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNakataas
Akses ng may kapansananMayroon
Ibang impormasyon
KodigoVM
Kasaysayan
NagbukasAbril 5, 2004

Ang Estasyon ng V. Mapa o Himpilang V. Mapa ay isang estasyon sa Linyang Bughaw (MRT-2). Ang estasyon ng V. Mapa ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang estasyon para sa Santa Mesa sa Maynila at nakuha ng himpilan ang pangalan nito mula sa Kalye V. Mapa. Noong ginagawa pa ang linya, tinawag ang himpilan na Araneta dahil malapit ito sa Abenida Gregorio Araneta sa Lungsod ng Quezon.

Nagsisilbi bilang pang-apat na estasyon ang estasyong V. Mapa para sa mga treng MRT-2 na patungo sa Santolan at bilang pampitong estasyong para sa mga treng patungo sa Recto. Malapit ang estasyon sa dating SM Centerpoint, na ngayon ay SM City Santa Mesa.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga sasakyang de-padyak, dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa labas ng estasyon at pwede itong gamitin upang pumunta sa mga kalapit na lugar mula sa himpilan.

Balangkas ng estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L3
Batalan
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Batalan A Ika-2 Linya papuntang Santolan
Batalan B Ika-2 Linya papuntang Recto
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Faregate, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon, Tindahan
L1 Daanan SM City Santa Mesa, Hotel Sogo

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]