Pumunta sa nilalaman

Frank Duff

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Frank Duff
Lingkod ng Diyos
Tagapagtatag ng Lehiyon ni Maria
IpinanganakFrancis Michael Duff
7 Hunyo 1889(1889-06-07)
Dublin, Irlanda
Namatay7 Nobyembre 1980(1980-11-07) (edad 91)
Dublin, Irlanda
Benerasyon saSimbahang Katoliko, lalo na sa mga kasapi ng Lehiyon ni Maria

Si Francis Michael "Frank" Duff (7 Hunyo 1889 – 7 Nobyembre 1980) ay isang mamamayan ng Dublin, Ireland, ang pinakamatanda sa magkakapatid ng isang mayamang pamilya. Nakilala siya bilang isa sa mga nagdala ng pansin sa layko noong Ikalawang Konsehong Batikano] ng Simbahang Romano Katoliko, at sa pagkakatatag ng Lehiyon ni Maria.

Buhay, kabataan at buhay pagkakawanggawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Frank Duff ay ipinanganak sa Dublin noong 1889, pinakamatanda sa pitong anak nina John Duff (namatay noong Disyembre 23, 1918) at Susan Letitia (née Freehill; namatay Pebrero 27, 1950 ).[1] Ang kanyang pamilya ay nanirahan sa St. Patrick's Road, Drumcondra, Dublin. Si Duff ay nag-aral sa Blackrock College, at noong 1908, ay pumasok sa Serbisyong Sibil, at inatasan sa Irish Land Commission.[2]

Lumipas ang anim na taon, sa edad na 24, siya sumapi sa Lipunan nig San Vincent de Paul, [3] at namuhay sa totoong kahirapan ng Dublin nang panahong iyon. Maraming taong naninirahan sa hamak na bahay-paupahan ang pilit na dumalo sa walang bayad na kainan para sa kabuhayan, at ang ilan sa mga likas na kahihinatnan ng labis na kahirapan, alkoholismo at prostitusyon ay laganap sa Dublin. Sumali si Duff sa Konperensya ni St. Patrick sa Parokya ni St. Nicholas ng Myra at kalaunan siya ang naging Pangulo nito. Si Duff, sa pagkakaroon ng pag-aalala para sa mga tao na nakita niyang may kakulang sa materyal at espirituwal, ay kinuha ang ideya na i-piket ang mga soup kitchen ng mga Protestante at gumawa ng sariling Katolikong soup kitchen (kusinang sopas). Siya at ang Punong Sarhento Joe Gabbett, [sino?] ay nagtatrabaho upang sikaping pigilin ang mga Katoliko tangkilikin ang mga soup kitchen ng mga Protestante. Sa paglipas ng taon nagtagumpay siya pagsasara ng dalawa sa kanila.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Radio dokumentaryo mula nang Linggo, Hunyo 26, 2011, tungkol sa buhay ni Duff na maaaring naririnig dito
  2. Drake, Tim."Frank Duff: A New Evangelist Ahead of His Time", catholicpulse.com, 1 April 2014.
  3. Kennedy, Finola . Frank Duff: A Life Story, Bloomsbury Publishing, 2011; ISBN 978-08264-432-50.


Katolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.