Game Shark
Ang Game Shark ("Larong Pating" sa literal na salin) ay isang tatak ng mga cheat cartridges o "mga balang panlamang" para sa mga larong pangkompyuter (laro sa Microsoft Windows) at pangbidyo. Sa kasalukuyan ang tatak na ito ay pag-aari ng Mad Catz, Inc., na ang kasalukuyan din nagbebenta ng mga GameShark na mga produkto para sa PlayStation 2, portable na PlayStation, Xbox, Nintendo DS, at Game Boy Advance (kasama ang model na SP at Micro). Ang mga GameShark na produkto ay hindi ineendorso ng mga kompanya ng mga larong bidyo. Ang produktong ito ay pwede na rin gawing pang tago ng mga ginawa sa laro (save file).
Ang mga balang panglamang ng GameShark ay maaring gamitin ng naglalaro para makapanglamang sa larong bideyo, tulad ng walang hanggang buhay, mga kagamitang di nauubos o iba pang daya na hindi makukuha sa normal na paglalaro. Maari din itong magamit para matuklasan ang mga bahagi ng laro na di napakinabangan ng naglikha o naglathala, tulad ng di nagamit na lebel, sasakyan o karakter na nakatago sa laro.
Kasunod na Produkto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroon na rin silang bagong kagamitang pandaya (cheating device) na pinangalanan GameShark Pro. Ang Gameshark Pro ay mayroon mga magagandang bagong magagawa at ito ay may kalamangan laban sa mga lumang bersyon ng GameShark. Ito ay may kakayahan na humawak ng maraming code sa isang bala lamang.
Tignan Din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.