Microsoft Windows

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Wikipedia:Mga napiling artikuloNapiling Artikulo
Microsoft Windows
Windows logo and wordmark - 2012.svg
Websayt: windows.microsoft.com
Pamilya ng OS: Windows 9x, Windows CE, at Windows NT
Modelo ng Pinagmulan: Closed/shared source
Inaasintang merkado: Personal computing
Wikang mayroon na: 137 wika[1]
Paraan ng pagbago:
  • Windows Update
  • Windows Anytime Upgrade
  • Windows Store
  • Windows Software Update Services
Sinusuportang platforms: ARM, IA-32, Itanium, x86-64
Klase ng Kernel:
  • Pamilya ng Windows NT: Hybrid
  • Windows 9x at mas maaga: Monolithic (MS-DOS)
Nakatandang user interface: Windows shell
Lisensiya: Proprietary commercial software
Estado ng paggana: Inilabas sa publiko

Ang Microsoft Windows ['maɪˌkɹaʊsɒft 'wɪndəʊs], kilala rin sa katawagang Windows ['wɪndəʊs] o MS-Windows ['ɛmɛs 'wɪndəʊs], ay isang kamag-anakan ng mga operating system na ginawa ng Microsoft. Bagaman sa mga unang bersyon nito ang Windows ay ginawa ng Microsoft bilang isang operating environment at pakikihalubilong makikitang pantagagamit lamang habang halos lahat ng mga paglakad ay sa MS-DOS pa rin isinasalalay, lahat na ng mga sumunod na bersyon nito ay mga OS na. At noong simula rin, ang mga bersyon ng Windows ay ginawa alang-alang sa mga tahanan lamang, at ang mga OS namang pantanggapan ay sa mga bersyon ng Windows NT. Ngunit nagtapos ito noong inilabas ang Windows XP, na nagsanib ng dalawang hanay na pang-OS ng Microsoft, ang Microsoft Windows at ang Windows NT.

Sa kasalukuyan, ang Windows ang pinakatanyag na kaparaananang pampamamalakad sa buong mundo. Pinanghahawakan sa kasalukuyan ng Microsoft ang 91.13% ng pamilihang pang-OS habang ang hinahawakan ng pinakamalaking katunggali nito sa pamilihan ay 7.82%; ito ang Mac OS ng Apple Inc..[2] Bagaman sa laki ng agwat na ito, mayroon pa ring ilang nagsasabing ipinapanganiban pa rin ang Windows na bumagsak.[3]

Kasaysayan[baguhin]

Punong artikulo: Kasaysayan ng Microsoft Windows
Kahon ng Windows 1.0; pansining hindi pa ito nabubuksan, at nakasulat sa kahong isa itong kapaligirang pampamamalakad

.

Mga kapaligirang pampamamalakad[baguhin]

19851989[baguhin]

Silipin din: Windows 1.0x at 2.x

Nagsimula ang Microsoft Windows bilang isang pakikihalubilong makikitang pantagagamit at kapaligirang pampamamalakad ng mga kompyuter ng IBM at iba pang mga kahalintulad na kompyuter na tumatakbo sa ilalim ng MS-DOS. Ito ay noong Nobyembre 20, 1985, ang pagkakalabas ng Windows 1.0[4], ang pinakaunang bersyon ng Microsoft Windows. Kailangang alalahaning ang mga unang limang bersyon ng Microsoft Windows: Windows 1.0, 2.x, 3.0 at 3.1x, ay hindi mga kaparaanang pampamamalakad kundi mga pakikihalubilong makikitang pantagagamit at kapaligirang pampamamalakad lamang. Ang mga ito ay gumaganap lamang bilang isang pagpapalawig ng mga kakayahan ng MS-DOS, ngunit lahat pa rin ng mga paglakad ay ginaganap pa rin ng MS-DOS.

Noong una, ang pagpapabuti ng Microsoft sa Windows ay mariing pinipigilan ng mga pagsasakdal ng Apple. Ito ay dahil sa hindi mailakip ng Microsoft ang mga katangiang kagaya ng mga nagpapatung-patong na dungawan, at ang tapunan ng basura sa paniniwala ng Apple na ang mga istilong iyon ay dapat panghawakan ng Apple lamang dahil sila ang unang gumawa at gumamit ng ganoong istilo, at ang mga ito ay saklaw ng karapatang-aring sila ay tanging may-hawak. Sa lahat-lahat, inaangkin ng Apple na nalugi sila nang USD 5 bilyon dahil dito.[5][6]

19901992[baguhin]

Silipin din: Windows 3.x

Noong Mayo 22, 1990, inilabas ng Microsoft ang Windows 3.0,[7] ang ikaapat na bersyon ng Microsoft Windows. Agad itong naging isa sa mga pinakatanyag at mabiling kaparaanang pampamamalakad sa kasaysayan ng Microsoft Windows at ng buong pamilihang pang-OS, at ang mayroong pinakamalaking naiambag sa pagsikat ng Microsoft at Microsoft Windows sa pamilihang panteknolohiya. At malamang ang mga pangunahing dahilan nito ay ito lamang ang nag-iisang bersyon ng Microsoft Windows na mayroong kakayahang tumakbo sa tatlong magkakaibang uri ng alaala.

Ang mga katangian ng Windows 3.0 ay pinagbutihan pa noong, Abril 6, 1992,[8][9] inilabas ng Microsoft ang Windows 3.1, isang bagong OS ng Microsoft na batay sa Windows 3.0, na mayroong dagdag na pagsasaayos sa mga suliranin ng Windows 3.0, at pagtaguyod sa mga midya at TrueType.[10] Bagaman marami pa rin itong kulang na katangiang mahahalagang, katulad ng mahahabang pangalang pantalaksan, isang hapag-gawaan, o isang kaparaanang pananggalang mula sa mga talaksang mapanira, matatagpuan lahat sa katunggali nitong OS/2, isang OS na tinulungan ding pagbutihin dati ng Microsoft, ng IBM, naging matagumpay pa rin ito sa pamilihang pang-OS. Ang pangunahing nagdulot nito ay ang kasikatan ng nauna pa nitong bersyon, ang Windows 3.0.

Naglabas din ng mga pagpapabuti ang Microsoft alang-alang sa Windows. Ang Windows 3.11 ay halos kaparang-kapara ng Windows 3.1, at nagdagdag lamang ng ilang mga talaksan. Bagaman dito, marami pa ring mga sirang matatagpuan sa Windows 3.1 ang matatagpuan pa rin sa Windows 3.11.

Mga kaparaanang pampamamalakad[baguhin]

Ang logo ng Windows NT

19931995[baguhin]

Silipin din: Windows NT 3.1, 3.5 at 3.51

Ang pinakaunang inilabas na kaparaanang pampamamalakad ng Microsoft ay ang Windows NT 3.1, na ginawa sa arkitekturang Windows NT, isang hanay pang-OS ng Microsoft alang-alang sa pamilihang pantanggapan, ay inilabas noong Hulyo 27, 1993,[11] hindi lumaon nang maghiwalay ng landas ang Microsoft at IBM sa paggawa ng kanilang sari-sariling kaparaanang pampamamalakad.

Ang arkitektura ay ginawa sa ilalim ng pamumuno ni Dave Cutler, ang punong arkitekto sa paggawa ng Windows NT. Ginawa ang Windows NT sa utos ng Microsoft na gumawa siya ng isang bitbiting, magagamit sa iba-ibang mga arkitekturang pangkompyuter, OS/2, at isa ring bitbiting pamalit sa Windows na nananalig sa isang DOS. Ngunit nang ang kanyang pulutong ay matapos, iba na ang kaparaanang kanilang nagawa.

Noong panahong iyon, si Dave Cutler ay isa rating pinunong arkitekto ng kakatigil lamang na proyektong PRISM, isang proyekto alang-alang sa pagpapabuti ng arkitekturang RISC ng Digital Electronics Corporation at Mica, ang paunang bansag sa kaparaanang pampamamalakad ng naturang arkitekturang pangkompyuter. At noong itinapos ng DEC ang proyekto, agad na kinuha ng Microsoft si Dave Cutler upang gawin ang kaparaanang pampamamalakad. Marami ang naghinalang dinala ni Cutler at ng kanyang kawanian ang ilang bahagi ng kodigo alang-alang sa Mica kaya naman binantaang sakdalin ng DEC ang Microsoft kundi nila itutuloy ang pagtaguyod ng Windows NT alang-alang sa DEC Alpha.[12] Bagaman dito, sabay ding inalis ng Microsoft at Compaq, ang bahay-kalakal na bumili ng DEC noong bumagsak ito, ang pagtaguyod sa isa at isa noong Agosto 1999.[13]

19951998[baguhin]

Silipin din: Windows 95, NT 4.0 at 98

Noong Agosto 24, 1995, ngunit ang kaunahang balak ay dapat Hulyo 11, inilabas ng Microsoft ang Windows 95, ang pinakamalaking hakbang sa pagbabago sa GUI ng Microsoft Windows simula nang inilabas ito, at ang pinakaunang ganap na pantahanang kaparaanang pampamamalakad na ginawa ng Microsoft; ang mga naunang OS ay naasa sa MS-DOS. Kasama sa mga malalaking pagbabago nito sa GUI ay isang ganap na hapag-gawaang hindi na alang-alang sa mga pinaliit na dungawan kundi alang-alang na sa paglalagay ng mga talaksan at iba pa, paggamit ng kanang bahagi ng maws, higit na pinadaling pakikipag-ugnayan sa Internet sa tulong ng mga nakaluklok nang pagtaguyod sa iba-ibang mga pang-Internet na protokol at isang gawaang-baras at Start Menu. Ngunit kailangang alalahaning ang wari ng isang taskbar ay hindi unang nagpakita sa Windows 95 kundi sa Windows 1.0; inalis lamang ito ng Microsoft sa mga sumunod na bersyon, at ibinalik sa Windows 95. Hindi katulad ng mga naunang OS sa Windows 95, likas na tumatakbo ang Windows 95 sa 32-bit; ngunit mayroon pa rin itong pagtaguyod alang-alang sa 16-bit, at kaya pa ring tumakbo rito.[14] At maging kahit sa pinakabagong bersyon ng Microsoft Windows, na ang Windows Vista, ay ginagamit pa rin ang kaparang banghay ng GUI. Bagaman dito, ayon sa Micromart, nasasaloob pa rin sa Windows 95 ang mababang kaligtasan ng mga naunang bersyon ng Windows at MS-DOS. Isa rito ang mababang kaligtasan ng mga panagutang pantagagamit ng Windows 95, bagaman maaari nang magkaroon ng mga mararaming panagutan sa Windows 95, walang kahit ano mang dagdag na kaligtasan itong ibinibigay; pinapahintulutan nito ang pagkakaroon ng mga iba-ibang nais alang-alang sa bawat panagutan, ngunit pinapahintulutan din nitong pindutin ang "Cancel" sa pambungad, at makapagbigay ng malayang daan sa kahit sino mang taong may-hangad na gamitin ang kompyuter. Maging sa Windows 98 ay makikita pa rin ang suliraning ito.[15]

Sumunod namang inilabas ng Microsoft Windows ang Windows 98 noong Hunyo 25, 1998, unang ginawa noong Mayo 15, 1998.[16] Walang masyadong nagbago sa GUI ng bersyong ito. At nagdagdag lamang ng ilang katangian sa Windows 95, katulad ng higit na malawak na pagtaguyod sa mga hardwer, at paggamit ng Internet Explorer, kung saan sa bersyong ito ay malawak na inilakip sa mga programa ng Microsoft Windows, maging sa Windows Explorer. Ngunit mayroong isang inhinyerong pangkompyuter, na si Shane Brooks, na gumawa ng isang manluluklok, nagngangalang 98Lite, noong Nobyembre 22, 1998 na mayroong kakayahang alisin ang nakalakip na Internet Explorer sa Windows Explorer sa iba-ibang mga bersyon ng Windows, at nagpatunay na kayang tumakbo ng Windows 98 at iba pang mga bersyon ng Windows nang walang Internet Explorer at iba pang inilakip na programa;[17] pinabilis din nito ang pagtakbo ng Windows. Napasinungalingan ang mga pag-aangkin ng Microsoft na hindi maaalis ang Internet Explorer mula sa Windows 98, kung maalis man ito, hindi ito gagana, at kung gumana man ito, tatakbo ito nang napakabagal. Sa katotohanan, ang pag-aalis ng Internet Explorer ay nagbigay ng kabaligtaran ng mga sinabi ng Microsoft, bagaman sa pag-aalis na ito ay hindi na magagamit ang mga bersyon ng Notepad at Wordpad alang-alang sa Windows 98, ngunit malulutas naman ito kung gagamitin ang Notepad at Wordpad alang-alang sa Windows 95 sa Windows 98, at mawawala rin ang Windows Update, na malulutas din sa madaling paraan.[18][19][20]

2000[baguhin]

Silipin din: Windows 2000 at Me
50 ulit na higit na maaasahan ang Windows 2000 Professional kaysa sa Windows 98, at 17 ulit na higit na maaasahan kaysa sa Windows NT Workstation 4.0.

Microsoft, [21]

Noong Pebrero 17, 2000, inilabas ng Microsoft ang Windows 2000, isang kaparaanang pampamamalakad na batay sa arkitekturang NT.[22][23]. Bagaman noong una, pinagpipilitan ng Microsoft na ilalabas nila ang OS nang Oktubre 6, 1999,[24] o nang alin mang petsa sa 1999. Lubhang ipinagmamalaki ng Microsoft ang OS, kagaya ng nakasaad sa itaas, ngunit walang masyadong nagbago sa OS sa larangan ng GUI, at ang hitsura nito ay kamukhang-kamukha pa rin ng Windows 98 at NT 4.0. Mariin ding iginigiit ng Microsoft na ang Windows 2000 ay alang-alang sa mga tanggapan, at hindi ipinapayo alang-alang sa mga tahanan. Ang dahilang ito ay, bagaman mayroong dagdag na pagtaguyod ang Windows 2000 alang-alang sa hardwer, marami pa ring mga larong pangkompyuter at hardwer ang hindi itinataguyod ng Windows 2000.[25]

Noong Setyembre 14, 2000 naman, at ayon sa ilan, ang kaunahang balak ay Mayo 26,[26] inilabas ang Windows Me, OS na ginawa ng Microsoft alang-alang sa mga tahanan.[27][28][29][30][31][32] Walang masyadong nagbago sa Windows Me kung ihahambing sa Windows 2000 at 98, at nagkaroon lamang ito ng higit na bagong bersyon ng Internet Explorer at Windows Media Player.[33] Isinama rin dito ang pinakaunang bersyon ng Windows Movie Maker. Ngunit bagaman iyon, marami ring nagsasabing ang Windows Me ay isa sa mga pinakamapanganib na bersyon ng Windows. Ang pangungutiyang ito ay dahil mabagal daw ito, palaging namamatay, at maraming hindi pinapatakbong programa.[34]

Hati ng mga OS sa pamilihan[35]
Punong artikulo: Kasaysayan ng Microsoft Windows#Hati sa pamilihan
OS Hati sa pamilihan
Windows XP 72.12%
Windows Vista 15.26%
Mac OS 7.83%
Windows 2000 2.25%
Linux 0.68%
Iba pa 1.97%

20012006[baguhin]

Silipin din: Windows XP, Server 2003 at Fundamentals for Legacy PCs

Ang taong 2001 ang naging pinakamabuting taon sa Windows. Sa Oktubre 25 ng taong ito, inilabas ng Microsoft ang pinakamabiling kaparaanang pampamamalakad sa kasaysayan, ang Windows XP.[36][37][38][39][40][41] At maging ngayon, nananatili pa rin itong pinakamatagumpay sa pamilihan bagaman dalawang taon na mula nang inilabas ang higit na bago nitong bersyon, ang Windows Vista.[42] Nagpapakita rin ng panibagong disenyo ang OS, at inilakip na MSN Messenger.[43]

Noong Marso 28, 2003, inilabas ng Microsoft ang Windows Server 2003 sa mga pamilihan. Ayon sa Microsoft, ang kaparaanang pampamamalakad ay dalawang ulit na higit na mabilis sa lahat ng paggawa nito kung ihahambing sa ibang mga OS. Ito rin daw ay nakakatipid ng 20% sa pangkalahatang gastos, at 50% ang matitipid kung ihahambing sa Windows NT Server 4.0.[44] Ilan sa mga bagay na pinagbutihan dito ay ang Active Directory at mga patakarang pampamamahala nito.[45] Bagaman dito, maging sa pinakabagong bersyon nito, walang pagtaguyod ang OS alang-alang sa maraming programang pangkompyuter, lalo na sa mga programang pantagalingkod kahit sa mga gawa ng Microsoft mismo.[46]

Noong Hulyo 12, 2006 naman, inilabas ng Microsoft ang Windows Fundametals for Legacy PCs. Sa katotohanan, isa lamang itong pinamura[47] at pinababang pagkakalimbag ng Windows XP.[48] At dahil dito, ang hitsura nito ay totoong katulad na katulad pa rin ng Windows XP. Ginawa ng Microsoft ang bersyong ito alang-alang sa mga luma at mababagal na mga kompyuter.[49][50]

20062008[baguhin]

Silipin din: Windows Vista, Home Server at Server 2008
Ang hitsura ng bagong Start Button

Inilabas ang Windows Vista[51] noong Enero 30, 2007 sa buong daigdig;[52][53][54][55][56] inilabas naman ito sa mga malalaking mangangalakal sa isang higit na maagang petsa ng Nobyembre 30, 2006.[57][58][59][60][61][62][63][64][65][66][67] Bago pa ang paglalabas na ito, ilang ulit na ring ipinahayag ng Microsoft ang paglalabas ng Windows Vista nang simula pa noong Hulyo ng 2006,[68] at nangako rin sila rating ilalabas nila ito nang Disyembre 2006[69][70] ngunit hindi natuparan ng Microsoft ang mga petsang ito. Naglakip ito ng mararaming pagbabago lalo na sa GUI nito. Isa na rito ang inibang Start Menu, at ang bagong disenyong Aero na nagbibigay ng napapaglagusang-liwanag na mga dungawan, ngunit nakakabagal ito ng pagtakbo ng kaparaanang pampamamalakad.[71] Bagaman dito, maraming nagsasabing pangit ang OS na ito dahil sa laki ng kinakain nitong kagamitan at alaalang pangkompyuter, at sa kawalang-pagtaguyod nito sa napakaraming sopwer at hardwer.[72] Kasama rin sa bersyong ito ang pangangailangan ipasugid" ang Windows Vista, isang kayarian laban sa pamimirata. Kundi gagawin matapos ang 30 araw na palugit mula sa araw ng pagkaluklok sa kompyuter, maraming kagamitan ng OS ang mamamatay at babagal. [73] Bagaman mayroon nang ganito, madali pa ring mababaliwala ang katangiang ito sa pamamagitan ng mga napakaraming pangwarak na ipinamimigay nang libre sa Internet.[74][75]

Noong Nobyembre 5, 2007 naman, naglabas ang Microsoft ng isang OS na pantagalingkod, ngunit sa pagkakataong ito, ito ay alang-alang naman sa mga tahanan hindi sa mga tanggapan, ito ang Windows Home Server,[76] ang pinakaunang Windows na pantagalingkod na ginawa alang-alang sa mga tahanan. Unang ipinakilala ito ng Microsoft sa Consumer Electronics Show noong Enero 8, 2007. Ilan sa mga itinatampok sa bagong OS ay ang kakayahan nitong gumawa ng mga bak-ap araw-araw ng mga kompyuter alang-alang sa madaliang pagbangon sakaling masira man, at, ayon sa Microsoft, ang pagkakaroon ng isang higit na nakapagitna at buong daan sa mga kompyuter at talaksan nitong nakaugnay sa kompyuter na mayroong Windows Home Server. Ayon din sa Microsoft, ito raw ang sagot sa panininop kung mayroong malaking katipunan ng mga retrato, musika at bidyo.[77][78]

Ngayon ang pinakabagong bersyon ng Windows ay isang tagalingkod. Ito ang Windows Server 2008, isang OS na pantagalingkod na inilabas sa ilalim ng walong pagkakalimbag[79] noong Pebrero 27, 2008,[80] bagaman ipinangako ng Microsoft na ilalabas nito ang OS sa huling bahagi ng 2007.[81] Ang OS na ito ay ipinagbuti nang limang taon, at ang kasunod ng Windows Server 2003. Ayon sa Microsoft, nilalayon ng Server 2008 na bawasan ang ginagastos na oras sa pagtatrabaho, tulungang mabilis na makaangkop ang mga bahay-kalakal sa mga pangangailangan, at dagdagan ang kaligtasan. Maganda ang mga kritisismong natanggap ng Windows Server 2008, at totoong nagtatampok ang OS ng dagdag na kaligtasan;[82] isa rito ang pangangangailangan ng pagtatakda ng isang "matatag" na hudyat, isang hudyat na naglalaman ng mga bilang, tanda at titik, bago makalagda sa isang panagutan.[83] Kahit batay ito sa Windows Vista, higit na maayos ang pagtakbo nito.[84][85][86][87]

Mga bersyon[baguhin]

Silipin din:talaan ng mga bersyon ng Microsoft Windows
Windows 1.0 Windows 2.0 Windows 3.0 Windows NT Windows 3.1x Windows 3.1x Windows NT 3.1 Windows NT 3.1 Windows 95 Windows NT 4.0 Windows NT 4.0 Windows 98 Windows Me Windows 2000 Windows 2000 Windows XP Windows XP Windows Server 2003 Talaan ng mga pagkakalimbag ng Windows XP#Media Center Edition Talaan ng mga pagkakalimbag ng Windows XP#Media Center Edition Windows Vista Windows Vista Windows Server 2008Kamag-anakan ng Microsoft Windows
Tungkol sa larawang ito

Kaligtasan[baguhin]

Sa mga rumaraang taon, ilan nang ulit na iginigiit ng Microsoft na ang kanilang kaparaanang pampamamalakad ay higit na higit na ligtas; mayroong ilang sumasang-ayon sa Microsoft ngunit totoong maraming tumututol.

Pag-aangkin[baguhin]

Isa sa mga pag-aangkin ng Microsoft na ang kanilang Windows ay higit na ligtas ay higit na ligtas daw ang Windows XP kaysa sa Linux, at ginagawang 15 ulit na higit na ligtas ang pagkakaroon ng SP2 sa Windows XP ang OS.[88]

Ayon sa Patnugot ng Estratehiyang Pangkaligatasan Jeff Jones ng Microsoft, higit na ligtas pa rin ang Microsoft kung ihahambing sa ibang mga OS, at dito ipinaghambing niya ang Linux at Apple laban sa Windows;[89] matinding tinutulan ito ng pamayanang Linux. Ayon sa kanila, hindi katulad ng Microsoft, na inaayos ang mga suliranin ng Windows nang patago, inilalathala ng Linux ang bawat pagsasaayos na kanila ginagawa sa Linux kaya, hindi katulad ng Linux, kakaunti lamang ang nakakaalam ng mga suliranin ng Windows, at kung ang isang OS ay ligtas na, hindi na ito nangangailangan pa ng mga pagsasaayos at dagdag mula sa manggagawa nito,[90] isang bagay na sinasalungat palagi ng Microsoft sa kanilang palagiang paglalabas ng mga pagsasaayos sa Windows.

Bukod pa rito, ang pinakamalaking pag-aangkin ng Microsoft sa panig ng kaligtasan ay nang sinabi nitong ang Windows Vista ang pinakaligtas na OS magpakailanman. Ang pag-aangking ito ay dahil sa pagkakaroon ng Vista ng User Account Control, Internet Explorer 8, BitLocker Drive Encryption at mga teknolohiyang pampagsasalihim.[91]

At sinabi ni Bill Gates na ang kaligtasang ito ng Windows ay dulot ng mga mararaming mananadtad at manunulat ng mga birus, at ang Windows ay higit na magiging ligtas kung higit na marami pang mga mamimili ang magluluklok ng mga pagsasaayos.[92]

Pagtugon[baguhin]

Kagaya ng naunang sinabi, inangkin ng Microsoft na ang Windows ang pinakaligtas na kaparaanang pampamamalakad, ito ay lubhang pinasinungalingan at tinuligsa ng iba-ibang tao at pamayanan.

Ayon sa isang ulat, walang gaanong nagbago sa Windows Vista kung ihahambing sa Windows XP. Ang Vista ay katulad na katulad pa rin daw ng XP sa kaligtasan nito, na sinasabing mababa, at ang Vista ay nag-iba lamang ng hitsura. Ang Windows Vista raw ay marami pa ring mga butas sa kaligtasan nito, at walang pinagkaiba sa pagsasanggalang nito mula sa mga birus.[93]

Mayroon namang isang pag-aaral na isinaliksik ni Nicholas Petreley, isang manunulat ng mga patungkol sa Linux, na nagsasabing ang Linux naman daw ay higit na ligtas kaysa sa Windows.[94]

Panagutang pantagapangasiwa[baguhin]

Sa kadalian ng pagnanakaw ng mga hudyat mula sa Windows, ang naging malaking suliranin rito ay kapag nanakaw ang hudyat alang-alang sa isang panagutang pantagapangasiwa, ang pinakamakapangyarihang panagutan, lagot na ang kompyuter na pinatatakbuhan ng Windows.[95].

Windows Metafile[baguhin]

Punong artikulo: Kahinaan ng Windows Metafile

Noong Enero 2, 2006, napag-alamang ang mga Windows Metafile ay mga maaaring mang-aangkat ng mga birus ng mga kompyuter. Ito ay dahil laging itinuturing ng kaparaanang pampamamalakad ang mga talaksang .wmf, ang daglat ng Windows Metafile (huwag ikalito sa Wikimedia Foundation), bilang mga larawan bagaman mayroong kakayahan ang mga itong magkaroon ng iba pang mga uri ng talaksan sa loob ng mga ito. Ayon sa McAfee, ginagamit ang mga talaksang ito upang magpatakbo ng hanggang 30 sari ng Bifrose, isang uri ng birus, at tumama rin daw ito sa 6% ng mga mamimili ng McAfee.[96]

Mga programa[baguhin]

User Account Control[baguhin]

Punong artikulo: User Account Control
Ang UAC habang humihingi ng pahintulot sa tagagamit

Dahil sa suliranin ng mga makapangyarihang panagutang pantagapangasiwa, ang mga bersyong Windows Vista at ang mga sumusunod dito ay niluklukan na ng User Account Control. Ito raw, ayon sa Microsoft, ang nagdulot sa Windows Vista sa pagiging pinakaligtas na OS na ginawa ng Microsoft.[97] Bagaman nakaluklok ang UAC sa Windows Vista nang pangkaraniwan, mailuluklok din ito sa mga naunang bersyon ng Windows mula sa websayt ng Microsoft.

Pinagbabawalan ng UAC ang tahasang pagganap ng mga programang gumagamit ng mga kagamitan ng kaparaanan ng kaparaanang pampamamalakad nang walang pahintulot mula sa isang tagapangasiwa. Ito ay dahil pinapatakbo ng UAC ang alin mang panagutan bilang isang pangkaraniwang panagutan, maging pantagapangasiwa man ito. Ito, ayon sa Microsoft, ang bumabawas sa pangkalahatang dulot ng mga birus at iba pang banta.[98][99]

IE7.png

Internet Explorer 8[baguhin]

Punong artikulo: Internet Explorer 8

Ang bagong bersyon ng Internet Explorer na nakaluklok sa Windows Vista ay tumatakbo na sa ilalim ng "Protected Mode", na pumipigil sa mga programa at iba pang galing sa Internet sa paggagalaw sa kompyuter nang walang pahintulot mula sa tagagamit.[100]

Windows Defender[baguhin]

Punong artikulo: Windows Defender

Ang Windows Defender, dating kilala bilang Windows AntiSpyware, ay isang nakaluklok na programa sa Windows Vista, ngunit maaari ring mailuklok sa Windows XP, na punong panlaban sa mga adwer, ispaywer at ispamwer.[101] Ilan sa mga kagamitan nito ang Microsoft SpyNet, isang lambat-lambat ng Microsoft na kumukuha ng kaalaman mula sa mga kasapi nito upang madaling makaalam ng mga bagong banta at malutas ito, at ang Software Explorer, isang bahagi ng Defender na pinapahintulutan ang mga tagagamit nitong usisain ang mga programang tumatakbo sa kasalukuyan at nang nakatakda sa kanilang kompyuter. Binansagan din ito ng ZDNet bilang pinakamabuting libreng panlabang-ispaywer.[102] Ngunit bagaman dito, mayroong ilang kabagalan ang pagtakbo nito.[103]

Windows Live OneCare[baguhin]

Punong artikulo: Windows Live OneCare

Ang Windows Live OneCare ay isang antimalwer, nangangahulugang pinupuksa nito ang mga programang hindi nakakabuti sa kompyuter, at pangkalahatang pangmatyag ng buong kompyuter.[104] Dahil sa kakayahan nito laban sa mga adwer, ispamwer at ispaywer, at payrwol, ang pagluluklok nito ay nangangahulugan ng pananalanta ng Windows Defender at Windows Firewall. Ito rin ay hindi nakaluklok nang nakatakda kundi binibili bilang isang bahagi ng Windows Live, isang hanay ng mga yari ng Microsoft.

Batay sa dalawang nagsasariling pag-aaral, ang OneCare lamang ang tanging programang bumagsak sa 17 mga antibirus na sinulit. Natagpuan lamang ng OneCare ang 82.4% sa 500,000 mga birus na iniharap.[105]

Pagtaguyod[baguhin]

Silipin din: Kasaysayan ng Microsoft Windows#Pagtaguyod

Dahil sa Windows Life-Cycle Policy, isang patakaran pampagtaguyod ng Microsoft, pinapatid ng Microsoft ang pagtaguyod sa mga bersyon ng Windows matapos ang 4 na taon pagkatapos ng malawakang pagkaroon nito sa pamilihan.[106] Bagaman mayroong ilang kataliwasan kung saan pinapahaba pa ng Microsoft ang pagtaguyod sa mga bersyon ng Windows na totoong mabili nang ilang taon, kagaya ng Windows 2000, na ang pagtaguyod mula sa Microsoft ay pinahaba hanggang Hunyo 30, 2010.[107][108]

Lunti = itinataguyod ng Microsoft; Pula = hindi itinataguyod
Taon 16-bit 32-bit 64-bit
1985 Windows 1.0
1987 Windows 2.0
1988 Windows 2.1x
1990 Windows 3.0
1992 Windows 3.1x
1993 Windows NT 3.1
1994 Windows NT 3.5
1995 (Mayo) Windows NT 3.51
1995 (Agosto) Windows 95
1996 Windows NT 4.0
1998 Windows 98
2000 Windows 2000
2001 (Setyembre) Windows Me
2001 (Oktubre) Windows XP
2003 (Marso) Windows XP 64-bit Edition
2003 (Abril) Windows Server 2003
2005 Windows XP Professional x64 Edition
2006 Windows Vista
2007 Windows Home Server
2008 Windows Server 2008


Talasanggunian[baguhin]

  1. "Listing of available Windows 7 language packs". Msdn.microsoft.com. http://msdn.microsoft.com/goglobal/ee461121#AvailableLanguagePacks. Hinango noong April 5, 2014. 
  2. Hati ng mga OS sa pamilihan
  3. Microsoft Windows, ipinapanganibang bumagsak
  4. Kasaysayang pambersyon ng Windows
  5. Apple laban sa Microsoft
  6. Isang maikling kasaysayan ng panunuos
  7. Kasaysayang pambersyon ng Windows
  8. Kasaysayang pambersyon ng Windows
  9. IBM
  10. Isang kasaysayan ng Microsoft Windows
  11. Guidebookgallery
  12. Kuru-kuro patungkol sa Windows NT
  13. Pagkamatay ng Alpha sa NT
  14. Windows 95
  15. Ang Walang XPng Pook: Ikaapat na Bahagi
  16. Ang petsa ng paglalabas ng Windows 98 itinalaga: Hunyo 25
  17. Windows 98
  18. CNN
  19. The Register
  20. Mang-aalis ng IE Nang-aalis ng Pambasa-basahin sa Windows
  21. Active Network
  22. AMD
  23. CNet
  24. Petsa ng paglalabas ng Windows 2000 itinala na
  25. Windows 2000
  26. Network World Fusion
  27. Microsoft
  28. Petsa ng paglalabas ng Windows Me, ipinahayag
  29. CNN
  30. Inilabas ang Windows Me sa UK
  31. Paul Thurrott's SuperSite for Windows
  32. Windows Millenium Edition
  33. The Register
  34. Windows Me: Pinakapangit na kaparaanang pampamamalakad Magpakailanman
  35. Hati ng mga OS sa pamilihan
  36. CNN Money
  37. Paglalabas ng Windows XP ng Microsoft, itinakda sa Oktubre
  38. BBC News
  39. Personal Computer World
  40. CNN News Europe
  41. Network World Fusion
  42. Pinakamalaking katunggali ng Windows Vista ay Windows XP
  43. Windows XP
  44. Microsoft
  45. Microsoft Windows 2003
  46. The Inquirer
  47. Microsoft
  48. FLzone
  49. Windows Fundamentals pinatagal hanggang 2006
  50. ZDNet
  51. Computing Market Intelligence
  52. Pandaigdigang petsa ng paglalabas ng Windows Vista
  53. About.com
  54. The Register
  55. TechShout.com
  56. 64-bit Computers
  57. Computing
  58. Vista, binigyan ng petsa ng paglalabas
  59. Petsa ng paglalabas ng Vista: Nobyembre 30
  60. Vista, nakakuha ng petsa ng paglalabas
  61. EarthTimes
  62. ItWeek
  63. Gadgetizer
  64. iHotDesk
  65. Microsoft Windows Vista
  66. Windows Vista, darating nang Nobyembre 20
  67. Vistaultimate.com
  68. Computerworld
  69. Ang paglalabas ng Vista ay Disyembre 1?
  70. Silicon
  71. Microsoft Windows Vista
  72. CNet
  73. Microsoft
  74. Blorge
  75. Windows Vista Activation Crack
  76. Microsoft Watch
  77. Microsoft Home Server
  78. Vnunet
  79. The Register
  80. ComputerWeekly
  81. Inilabas ng Microsoft ang Windows Server 2008
  82. ComputerWeekly
  83. ZDNet
  84. Higit na mabuti ang Windows Server 2008 kaysa sa Vista?
  85. ZDNet
  86. HP
  87. PCAdvisor
  88. Inaangkin ng Microsoft na ang Windows ay higit na ligtas kaysa sa Linux
  89. Heise Security
  90. Heise Security
  91. Microsoft: Vista Pinakaligtas na OS Magpakailanman
  92. The Register
  93. Windows Vista hindi higit na ligtas kaysa sa XP
  94. Linux, higit na ligtas kaysa sa Windows ayon sa pag-aaral
  95. Windows Security
  96. Wikinews
  97. User Account Control
  98. User Account Control
  99. Microsoft Windows Vista: isang balik-tanaw ng UAC
  100. Internet Explorer Protected Mode
  101. Microsoft Windows Vista: balik-tanaw ng Windows Defender
  102. Microsoft Windows Defender
  103. Microsoft Windows Defender 7
  104. About.com
  105. Ibinagsak ng Microsoft ang ikalawang pagsusulit ng birus
  106. Windows Life-Cycle Policy
  107. Hewlett-Packard
  108. Blog ng MSDN

Panlabas na kawing[baguhin]

Silipin din[baguhin]