Google

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa makinang panghanap na nilikha ng Google Inc., tingnan ang artikulong Google (makinang panghanap). Tingnan din ang Google (paglilinaw). Huwag itong ikalito sa Googol.
Google, Inc.
Uri Pampubliko
Pagkakatatag Menlo Park, California, US
Ika-4 ng Setyembre, 1998
(Mga) Tagapagtatag Larry Page, Sergey Brin
Pangunahing lokasyon Googleplex, Mountain View, California, US
Sineserbisyuhang lugar Buong daigdig
Mahahalagang tao
  • Larry Page
  • Eric Schmidt
  • Sergey Brin
Industriya Internet
Software na pang-kompyuter at pang-telepono
Mga Manggagawa 52,069 (ikalawang kwarter ng 2014)
Subsidiyaryo AdMob, DoubleClick, On2 Technologies, Picnik, YouTube, Zagat, Waze, Blogger, SlickLogin, Boston Dynamics, Bump, Nest Labs, DeepMind Technologies, WIMM One, VirusTotal
Websayt google.com

Ang Google Inc., tinatag noong 1998, ay isang kompanya sa Estados Unidos na namamahala ng Google search engine. Nasa "Googleplex" ang kanilang punong tanggapan na matatagpuan sa Mountain View, California at mayroon silang higit sa 3,000 empleyado. Naging CEO si Dr. Eric Schmidt, dating CEO ng Novell, ng bumaba sa puwesto si Larry Page ang isa sa mga nagtatag ng Google.

Mga Serbisyo[baguhin]

  • Google Alerts: nagbibigay ng pagpapaalala ng bagong balita at kaugnay na resulta sa iba't ibang "keywords" patungo sa email.
  • Google Answers: nagbibigay sagot sa mga katanungan, katumbas ng pinansiyal na kabayaran.
  • Google Art Project: nagpapakita ng mga digital na photo ng mga tanyag na painting mula sa mga museo sa iba't ibang bansa.
  • Google Blog Search: nagbibigay resulta sa paghahanap ng mga paksaing blog.
  • Google Books: nagpapakita ng mga pabalat ng mga paksaing aklat.
  • Google Help Center: laman nito ang mga "features" para sa mas mabilis at masusing paghahanap. Halimbawa ng nilalaman nito ay ang "Cached Links" atbp.
  • Google Maps: nagbibigay ng direksiyon at larawan ng direksiyon at mapa.
  • Google Mobile: nagbibigay ng resulta sa hinahanap na larawan, impormasyon at kung ano ano pa, gamit ang teleponong selyular.
  • Google News: nagpapakita ng mga libo-libong balita, makailang minuto.
  • Google Scholar: nagbibigay ng mga resulta kaugnay sa hinahanap na impormasyon. Ang mga resultang ibibigay nito ay masasabing nasa kategoryang iskolastiko.
  • Google Shopping: nagbibigay ng mga resulta sa mga hinahanap na produkto.
  • Google University Search: nagbibigay ng impormasyon o mga resulta hango at tungkol sa website ng isang pamantasan o dalubhasaan.
  • Google Web Search: ang pangunahing serbisyo ng Google. Dito maaring maghanap ng impormasyon o links patungo sa ibang website kaugnay sa hinahanap, gamit ang "keywords".

Google Tools[baguhin]

  • Android: operating system sa mga mobile phone at smartphone.
  • Blogger: nagbibigay ng pagkakataong maisapubliko-elektroniko ang mga saloobin sa iba't ibang paksain.
  • Google Calendar: libreng elektronikong kalendaryo.
  • Google Chrome: web browser na gawa ng Google.
  • Google Code: mapagkukunan ng mga "open-source" at API codes.
  • Google Dictionary: talahuluganan sa iba't ibang wika.
  • Google Docs: mga dokumento o mga spreadsheet.
  • Google Earth: nagbibigay ng resultang direksyunal ng mga lugar sa Daigdig.
  • Gmail: nagbibigay ng mahigit isang gigabyte na espasyo para sa email.
  • Google Mars / Google Moon / Google Sky: nagpapakita ng birtwal na globo ng planetang Marte, ng Buwan, at ng Kalawakan.
  • Picasa: naghahanap, nakapag-eedit, at padala ng larawan o imahen mula sa sariling computer patungo sa iba.
  • Google Special Searches: nagbibigay ng mga espesipikong resulta hinggil sa hinahanap na impormasyon, maaring ito ay Linux distro, Microsoft, BSD, Apple Macintosh, pahinang gawa ng gobyerno at mga public service search.
  • Google Talk: nagbibigay ng pagkakataon na makapagpadala ng "instant message" at matawagan ang kausap.
  • Google Toolbar: isang "add-on" na searchbox sa browser.
  • Google Translate / Google Input Tools / Google IME: nakapagsasalin ng text sa iba't ibang wika.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Mga kawing panlabas[baguhin]