Pumunta sa nilalaman

Abaka (halaman)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Halamang abaka)

Abaka
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Klado: Commelinids
Orden: Zingiberales
Pamilya: Musaceae
Sari: Musa
Espesye:
M. textilis
Pangalang binomial
Musa textilis

Ang abaka (Musa textilis; Ingles: Manila hemp) ay isang espesye ng halamang saging na mula sa Pilipinas, at tumutubo din sa Borneo at Sumatra. Isang pangunahing kahalagan pang-ekonomiya ang halaman dahil sa pag-ani ng pibro nito, tinatawag din na abaka, na kinukuha mula sa isang malaki, talinghaba (oblong) na mga dahon at tangkay. Sa karaniwan, tumutubo ang halaman na may taas na mga 20 talampakan (6 na metro). Ginagamit ang pibro sa paggawa ng mga sinulid at lubid.

Tumutubo ang mga dahon mula sa puno ng halaman, at bumubuo ng pantakip sa puno ang dulo ng mga dahon. Naglalaman ng mga pibro ang mga pantakip na ito. Nasa haba na mula 5 hanggang 11.5 talampakan (1.5 hanggang 3.5 metro) ang mga malalaking bahagi ng pibro. Binubuo sila ng mga mga materyales ng halaman ang cellulose, lignin, at pectin. Tinatawag itong Manila hemp sa wikang Ingles at pagkatapos maihawalay ang pibro, binebenta ito sa ilalim ng pangalang Manila. Kinuha ang pangalan nito sa Ingles mula sa kapital ng Pilipinas, ang Maynila.

Inaani ang abaka sa mga bukid bawat tatlo hanggang walong buwan. Pinuputol ang mga magulang na mga halaman, ngunit hinahayaan ang ugat sa lupa. Tumutubo ang mga bagong halaman mula sa mga lumang ugat. Inaalis ang mga pantakip ng dahon sa anyong manipis at mahaba. Kinakayod ang sapal na iniwan ang mga pibrong tali, na pinipilipit upang maging lubid. Matibay, lumulutang sa tubig, at may likas na panlaban sa tubig, araw at hangin ang mga pibro ng abaka. Ginagawa din ang abaka bilang papel, partikular ang Papel de Manila.

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]