Pumunta sa nilalaman

Saging

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Saging
Mga prutas ng apat na iba't ibang kultibar. Kaliwa tungong kanan: plantano, pulang saging, latundan, at saging na Cavendish
Pinagmulang halamanMusa
Bahagi ng halamanPrutas
GamitPagkain

Ang saging ay isang pahabang nakakain na prutasbotanikal na isang baya (o berry) – na binubunga ng ilang uri ng malalaking mala-damo na namumulaklak na halaman sa henetikong Musa. Sa ilang mga bansa, tinatawag na plantano ang panlutong saging, na ipinagkakaiba mula sa mga saging na panghimagas. Pabagu-bago sa laki, kulay, at katigasan ng prutas, subalit kadalasan na pahaba at pakurba, na may malambot na laman na mayaman sa gawgaw na nababalot ng balat, na maaaring may iba't ibang kulay kapag hinog na. Lumalaki ang mga prutas ng paitaas sa mga kumpol malapit sa tuktok ng halaman. Halos lahat ng modernong nakakain na saging na walang binhi (partenokarpiyo) ay nagmula sa dalawang ligaw na espesye - Musa acuminata at Musa balbisiana. Karamihan sa mga nilinang na saging ay M. acuminata, M. balbisiana, o halo ng dalawa.

Likas ang mga espesye na Musa sa tropikal na Indomalaya at Australya; malamang na domestikado sila sa Bagong Ginea. Tinatanim ito sa 135 bansa, pangunahin para sa kanilang prutas, at sa mas mababang gamit, para makagawa ng papel de saging at mga tela, habang pinapalago ang ilan bilang mga halamang pampalamuti. Ang pinakamalaking prodyuser ng saging sa mundo noong 2022 ay ang Indya at Tsina, na magkakasamang umabot sa humigit-kumulang 26% ng kabuuang produksyon. Kinakain hilaw o niluluto ang mga saging sa mga resipi na nag-iiba mula sa kari hanggang sa mga banana chip, bananaque, maruya, preserbang prutas, o simpleng hinurno o pinasingaw.

Ang halamang saging ay ang pinakamalaking namumulaklak na halamang mala-damo.[1] Lumalaki ang lahat ng nasa itaas na bahagi ng halaman ng saging mula sa isang istraktura na tinatawag na kormo.[2] Karaniwang matataas at medyo matibay ang mga halaman na may hitsura na parang puno, subalit isang tangkay-tangkayan o huwad na tangkay ang tila katawang puno na binubuo ng maraming tangkay ng dahon (mga pesiyolo). Tumutubo ang mga saging sa iba't ibang uri ng mga lupa, hangga't hindi ito bababa sa 60 sentimetro (2 tal) ang lalim, may magandang pagpapatubig at hindi siksik.[2] Kabilang sila sa pinakamabilis na lumalaki sa lahat ng mga halaman, na may pang-araw-araw na bilis ng paglago sa ibabaw na naitala mula sa 1.4 metro kuwadrado (15 pi kuw) hanggang 1.6 metro kuwadrado (17 pi kuw).[3][4]

Ang mga bunga ng saging ay nabubuo mula sa puso ng saging, sa isang malaking nakabitin na kumpol na tinatawag na bungkos, na binubuo ng humigit-kumulang 9 na patong na tinatawag na mga kamay, na may hanggang 20 prutas sa isang kamay. Maaaring tumimbang ang isang bungkos ng 22–65 kilogramo (49–123 lb).[5]

Nagpapahiwatig ang isang pagsusuring pilohenomiko noong 2011 gamit ang mga heneng nukleyar ng piloheniya ng ilang mga kinatawan ng pamilya Musaceae. Ang mga pangunahing nakakain na uri ng saging ay ipinapakita sa makapal na titik.[6]


Musa
Klado I




Musa acuminata ssp. burmannica, Saging, T. Indya hanggang Kambodya



Musa ornata, Namumulaklak ng saging ng Timog-silangang Asya




Musa acuminata ssp. zebrina, dugong saging ng Sumatra




Musa mannii, isang ligaw na saging ng Arunachal Pradesh, Indya




Musa balbisiana, Plantano ng Timog, Silangan, at Timog-silangang Asya



Klado II




Musa x troglodytarum, saging na Fe'i ng Polinesyang Pranses



Musa maclayi ng Papua Bagong Guinea at Kapuluang Solomon




Musa textilis, Abacá ng Pilipinas




Musa beccarii, isang ligaw na saging ng Sabah




Musa coccinea, saging na eskarlata ng Tsina at Biyetnam





Musella lasiocarpa, Ginuntuang loto ng Tsina



Ensete ventricosum, Enset o huwad na saging ng Aprika



Maraming mga nilinang saging ay mga halo ng M. acuminata x M. balbisiana (hindi ipinapakita sa puno).

Produksyon at pagluwas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Produksyon noong 2022 (sa milyong toneleda)
Mga saging Mga plantano Kabuuan
 Indya 34.5   34.5
 Tsina 11.8   11.8
 Uganda 10.4 10.4
 Indonesya 9.2   9.2
 Pilipinas 5.9 3.1 9.0
 Niherya 8.0 8.0
 Ekwador 6.1 0.9 6.9
 Brasil 6.9   6.9
 Demokratikong Republika ng Congo 0.8 4.9 5.7
 Kamerun 0.9 4.7 5.5
 Kolombiya 2.5 2.5 5.0
 Guatemala 4.8 0.3 5.0
 Ghana 0.1 4.8 4.9
 Angola 4.6   4.6
 Tanzania 3.5 0.6 4.1
 Rwanda 2.2 0.9 3.1
 Costa Rica 2.5 0.1 2.6
 Côte d'Ivoire 0.5 2.1 2.6
 Mehiko 2.6 2.6
 Republikang Dominikano 1.4 1.2 2.5
 Biyetnam 2.5 2.5
 Peru 2.4 2.4
Mundo 135.1 44.2 179.3
Pinagmulan: FAOSTAT ng Mga Nagkakaisang Bansa[7] Tandaan: May ilang mga bansa ang pinagkakaiba ang saging at plantano, subalit ang anim na pinakamataas na prodyuser ay hindi, kaya, kinakailangan ang pagkukumpura gamit ang kabuuan para sa mga saging at plantano na pinagsama.

Ang mga saging ay iniluluwas sa mas malaking dami at sa mas malaking halaga kaysa sa anumang iba pang prutas.[8] Noong 2022, umabot ang produksyon ng mundo ng mga saging at plantano sa pinagsamang 179 milyong tonelada, na pinangunahan ng Indya at Tsina na may pinagsamang kabuuang 26% ng pandaigdigang produksyon. Ang iba pang pangunahing prodyuser ay Uganda, Indonesya, Pilipinas, Niherya at Ekwador.[9] Tulad ng iniulat para sa 2013, ang kabuuang pagluwas sa mundo ay 20 milyong tonelada ng saging at 859,000 tonelada ng plantano.[10] Ang Ekwador at ang Pilipinas ay ang mga nangungunang tagapagluwas na may 5.4 at 3.3 milyong tonelada, ayon sa pagkakabanggit, at ang Republikang Dominikano ang nangungunang tagapagluwas ng plantano na may 210,350 tonelada.[10]

Mga umuunlad na bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga saging at plantano ay isang pangunahing pananim na pagkain para sa milyun-milyong tao sa mga umuunlad na bansa. Sa maraming tropikal na bansa, nakakalikha ang mga pangunahing kultibar na lunti (hindi hinog) na saging na ginagamit sa pagluluto. Karamihan maliliit na mga magsasaka ang mga prodyuser na para sa sariling pagkonsumo o ibenta sa mga lokal na pamilihan. Dahil namumunga sa buong taon ang mga saging at plantano, nagbibigay sila ng mahalagang mapagkukunan ng pagkain sa panahon ng taggutom sa pagitan ng mga ani ng iba pang pananim. Kaya mahalaga ang mga saging at plantano para sa pandaigdigang seguridad sa pagkain.[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Picq, Claudine; INIBAP, mga pat. (2000). Bananas (PDF) (sa wikang Ingles) (ika-Ingles (na) edisyon). Montpellier: International Network for the Improvement of Banana and Plantains/International Plant Genetic Resources Institute. ISBN 978-2-910810-37-5. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Abril 11, 2013. Nakuha noong Enero 31, 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Stover & Simmonds 1987.
  3. Verrill, A. Hyatt (1939). Wonder Plants and Plant Wonders (sa wikang Ingles). New York: Appleton-Century Company. p. 49 (litrato na may titulo).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Flindt, Rainer (2006). Amazing Numbers in Biology (sa wikang Ingles). Berlin: Springer Verlag. p. 149.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Banana plant". Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Christelová, Pavla; Valárik, Miroslav; Hřibová, Eva; De Langhe, Edmond; Doležel, Jaroslav (2011). "A multi gene sequence-based phylogeny of the Musaceae (banana) family". BMC Evolutionary Biology (sa wikang Ingles). 11 (1): 103. Bibcode:2011BMCEE..11..103C. doi:10.1186/1471-2148-11-103. ISSN 1471-2148. PMC 3102628. PMID 21496296.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "FAOSTAT". www.fao.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Gittleson, Kim (Pebrero 1, 2018). "Battling to save the world's bananas". BBC News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 26, 2018. Nakuha noong Abril 18, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "FAOSTAT". www.fao.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "Banana and plantain exports in 2013, Crops and livestock products/Regions/World list/Export quantity (pick lists)" (sa wikang Ingles). Food and Agriculture Organization, Corporate Statistical Database (FAOSTAT). 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 11, 2017. Nakuha noong Enero 6, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. d'Hont, A.; Denoeud, F.; Aury, J. M.; Baurens, F. C.; Carreel, F.; Garsmeur, O.; atbp. (2012). "The banana (Musa acuminata) genome and the evolution of monocotyledonous plants". Nature (sa wikang Ingles). 488 (7410): 213–217. Bibcode:2012Natur.488..213D. doi:10.1038/nature11241. PMID 22801500.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)