Hanapbuhay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Maaaring Aklat ni Job ang hinahanap mo. Maghanap din sa paggawa (paglilinaw).
Isang uri ng paghahanapbuhay.

Ang hanapbuhay, hanap-buhay, pinagkakakitaan, o trabaho (Ingles: work, job, employment, labor, labour, occupation) ay ang gawain, gampanin, o tungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng kapalit na salapi, gana, o suweldo. Tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilang manggagawa, empleyado, o trabahador.

Kahalagahan[baguhin]

Inilirawan ng Amerikanong si Henry Van Dyke ang hanapbuhay sa isang tula. Ganito ang kanyang sinaad ukol dito:

Sa orihinal na Ingles[baguhin]

"Let me but do my work from day to day,
In field or forest, at the desk or loom,
In roaring market-place, or tranquil room
Let me find it in my heart to say,
When vagrant wishes beckon me astray  –
'This is my work  – my blessing, not my doom  –
Of all who live I am the one by whom
This work can best be done in my own way'."[1]

===Pagsasalin sa Tagalog===GGBGNGG BNJJK H NJ BIMJ


"Pabayaan mo akong gawin ang gawain ko sa araw-araw,
Sa kabukiran man o sa kagubatan, sa mesa o sa habian,
Sa maingay na pamilihan, o tahimik na silid,
Pahintulutan nawang hanapin sa puso ko ang masabing,
Kapag hinihikayat ako ng pagala-galang mga pagnanais na paglayo  –
Ito ang aking gawain  – aking biyaya, hindi kapariwaraan  –
Sa lahat ng mga nabubuhay, ako ang nag-iisang
Pinakamahusay na makagagawa ng gawaing ito sa sariling kong paraan'."

Mensahe ng tula[baguhin]

Batay sa tulang ito ni Van Dyke, bawat tao ay mayroong gawaing dapat gawin na hindi pag-aari ng iba. At kailangang igalang ang sariling hanapbuhay, at bigyan ito ng pinakamataas na antas ng kahusayan o kagalingan.[1]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 The Christophers. (2004). "Henry Van Dyke, may-akda, propesor sa Pamantasan ng Princeton, Presbiterong ministro, Ministro ng Estados Unidos para sa Nederlandiya, The Worth of Work". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384., pahina para sa Setyembre 5.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.