Harry Potter

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
HP books.png

Ang Harry Potter ay mga nobelang sinulat ni J.K. Rowling. Ito ay isang seryeng di-makakatotohanan. Ito rin ang pangalan ng pangunahing tauhan.

Simula ng ilabas ang unang nobela, ang Harry Potter and the Philosopher's Stone (retitled Harry Potter and the Sorcerer's Stone sa Estados Unidos) noong 1997, ang aklat na ito ay umani ng sobrang kasikatan at tagumpay sa buong mundo, sa pelikula, mga video games, at marami pang iba. ang anim na libro ay tinatayang nakabenta ng 300 milyong kopya[1][2] at nasalin sa mahigit 63 wika.[3]

Malaking bahagi ng kuwento ay naganap sa Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry, at nakalaan sa paglaban ni Harry Potter laban sa mga masamang salamangkero na si Lord Voldemort.

Ang lahat ng pitong aklat ay nalathala na, ang ika-pito, ang Harry Potter and the Deathly Hallows, ay inilabas noong 21 Hulyo 2007.[4]

Ang pitong aklat ay naging matagumpay sa pelikula na ginawa ng Warner Bros.. Ang panghuli, Harry Potter and the Deathly Hallows Part 2, ay nakatakdang ilabas sa 15 Hulyo 2011.

Pinagmulan at Kasaysayan ng Pagkakalathala[baguhin]

Noong 1990, si J. K. Rowling ay nasa isang mataong tren galing Manchester patungong London ng pumasok sa isip nito ang tungkol kay Harry. Sinulat niya sa serbilyeta ang kanyang mga naisip para lagi niya itong maalala. Sinabi ni Rowling ang kanyang karanasan sa kanyang websayt na nagsasabing:

"I had been writing almost continuously since the age of six but I had never been so excited about an idea before. [...] I simply sat and thought, for four (delayed train) hours, and all the details bubbled up in my brain, and this scrawny, black-haired, bespectacled boy who didn't know he was a wizard became more and more real to me".[5]

Noong gabing iyon, ang may-akdang ito ay nagsimulang magsulat sa kanyang pinakaunang nobela, Harry Potter and the Philosopher's Stone, isang di-gaanong detalyadong plano na kakasama sa mga mangyayari sa bawat isa sa kanyang pitong aklat, karagdagan sa isang malaking bilang ng biograpiya at historikal na impormasyon sa kanyang characters at universe.[6]

Sa loob ng anim na taong nagdaan, kasama na ang pagkakasilang sa una niyang anak, pagkakadiborsiyo sa kanyang unang asawa, at ang paglipat sa Portugal, si Rowling ay pinagpatuloy ang pagsusulat ng Philosopher's Stone.[7] Pagkatapos ay nanatili sa Edinburgh, sinulat ni Rowling ang karamihan ng Philosopher's Stone sa mga local cafés. Dahil hindi siya makakuha ng lugar sa nursery, kadalasang kasama niya ang kanyang anak habang siya'y nagtatrabaho.

Noong 1996, Harry Potter and the Philosopher's Stone ay natapos at ang manuscript ay ipinadala sa mga agents. Ang ikalawang ahenteng sinubukan niya ay si Christopher Little, ay nagsabi na siya ang magrerepresenta nito at magpapadala ng manuscript sa Bloomsbury. Pagkatapos ng walong iba pang tagalathala na tumanggi sa Philosopher's Stone, ang Bloomsbury ay nagbigay ng paunang bayad kay Rowling ng £3,000 para sa pagpapalathala ng Philosopher's Stone.[8]

Kahit na sinabi ni Rowling na wala siyang partikular na age group sa kanyang isip ng simulan niyang isulat ang aklat ng Harry Potter, ang taga-lathala nito ay inumpisahang targetin ang mga batang nasa taong siyam hanggang labing-isa.[9]

Noong hatinggabi ng paglalathala, sinabi kay Joanne Rowling ng tagalathala na gumawa ng mas neutral na kasarian na pen name, upang magkaroon din ng appeal ito sa mga kalalakihan ng age group na ito, na pinangangambahan na baka hindi sila maging interesado sa pagbabasa ng nobela na isinulat ng isang babae. Sinabi niya na gamitin ang J. K. Rowling (Joanne Kathleen Rowling), inalis niya ang unang pangalan niya, at ginamit ang pangalan ng lola niya bilang pangalawang pangalan.[10]

Ang unang aklat ng Harry Potter ay inilathala sa United Kingdom ng Bloomsbury noong Hulyo 1997 at sa Estados Unidos ng Scholastic noong Setyembre 1998. Pinangangambahan na baka hindi maunawaan ng mga mambabasa nito sa Estados Unidos ang salitang "philosopher" o baka hindi mailarawan bilang isang temang may mahika, pinangalanang itong Harry Potter and the Sorcerer's Stone sa Amerika.[11]

Natamasa ng Harry Potter ang tagumpay dahil bahagi nito ang positibong mga sipi, ang istratehiya ng tagalathala ni Rowling, kundi pati ang mga sabi-sabi ng mga karaniwang bumabasa nito, lalo na ang kalalakihan. Ang huli ay mas napansin, dahil sa mga nakalipas na taon, ang pagiging interesado sa panitikan ay nagpaiwan sa pagiging interesado sa video games at internet.[12] ang seryeng ito ay nakakuha rin ng mga panatikong matatanda, kaya nagpasimula ng dalawang edisyon kada isang aklat ng Harry Potter, magkatulad sa nilalaman ngunit magkaiba sa balot upang makuha ang panlasa ng mga bata at pati ng matatanda.[13] Higit pa dito ang serye ay sikat sa buong daigdig dahil sa dami ng salin nito.[13]

Kuwento[baguhin]



Buod ng Pangyayari[baguhin]

Ang kuwento ay nagbukas sa isang pagdiriwang na kadalasang palihim dahil sa ang mga nagdaang taon ay laging ginugulo ni Lord Voldemort. Bago ang gabing iyon, natuklasan ni Voldemort ang pinagtataguan ng tagong mag-anak ng Potter, at pinatay sina Lily at James Potter. Ngunit ng itinuro na niya ang kanyang wand sa sanggol nitong anak na si Harry, ang sumpang patayin ito ay bumalik sa kanya. Ang kanyang katawan ay nasira, at si Voldemort ay naging isang walang kapangyarihang kaluluwa, naghahanap ng isang lugar sa mundo na walang makaka-istorbo; Si Harry naman, ay naiwang may marka ng kidlat sa kanyang noo, ang natatanging palatandaan ng sumpa ni Voldemort. Ang misteryosong pagkakatalo ni Voldemort kay Harry ay nagresulta sa pagkakalilalang "ang batang nabuhay" sa mundo ng mga wizard.

Ang ulilang si Harry Potter ay sumunod na pinalaki ng kanyang malupit, at walang kapangyarihang kamag-anak, ang Dursleys, na walang pakialam sa pinagmulan ng mahika at sa hinaharap ni Harry. Subalit, sa paparating na ika-labingisa niyang kaarawan, Nagkaroon si Harry ng kanyang unang contact sa daigdig ng mahika nang makatanggap siya ng sulat galing sa Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry, na kinuha naman ng kanyang Tiya at Tiyo bago pa niya ito magawang mabasa, Sa kanyang ika-labingisang kaarawan, siya ay sinabihan na siya ay isang wizard at inaanyayahan na pumunta sa Hogwarts. Sinabihan siya ni Hagrid, nang matutunan niyang gumamit ng magic at gumawa potions. Si Harry din ay natututong malampasan ang mga mahikal, panlipunan at emosyonal na hadlang sa kanya sa paglaban niya hanggang sa kanyang pagbibinata at pag angat ng kapangyarihan ni Voldemort.

Madami man ang nagyari kay Harry sa simula, nalagpasan niya ito sa tulong ng kanyang mga kaibigan na sila Ron at Hermione. Katulong din niya si Professor Dumbledore na laging nariyan nagbibigay ng payo at paalala sa kanya.

Mga sanggunian[baguhin]


Mga panlabas na kawing[baguhin]