Henri Dunant

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Jean Henri Dunant.

Si Jean Henri Dunant (Mayo 8, 1828Oktubre 30, 1910), kilala rin bilang Henri Dunant o Henry Dunant lamang, ay isang Suwisong bangkerong (namamahala ng bangko) pinagmulan ng ideya ng pagkakaroon ng mga samahang Kilusang Pandaigdig ng Pulang Krus at Pulang Gasuklay, bagaman opisyal na sinimulan ang samahan bilang isang organisasyong tumutulong sa panahon pangangailangang pantao sa panahon ng kapayapaan at digmaan, sa pamamagitan ng isang kasunduang pandaigdig noong 1863.[1]

Noong 1959 sa Hilagang Italya, nasaksihan ni Dunant ang paghihirap ng mga sugatan habang nagaganap ang Labanan sa Solferino sa pagitan ng mga Austriyano at mga Pranses. Dahil dito, nagsulat si Dunant ng isang aklat hinggil sa labanan. Iminungkahi niya ang pagkakaroon ng isang samahang sa bawat bansa na tutulong sa nasusugatang mga kawal. Noong 1863, sumibol ang unang mga samahan ng Pulang Krus dahil sa isang pagpupulong sa Ginebra, Suwisa.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp.. (1985). "Who Founded the Red Cross?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 70.