Inhinyeriyang sibil

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang inhinyeriyang sibil o inhinyeriyang pambayan ay isang disiplina ng inhinyeriyang prupesyunal na humaharap sa pagdidisenyo, pagbubuo, at pagpapanatili ng pisikal at likas na itinatatag na kapaligiran, kabilang ang mga pagawain katulad ng mga kalsada, mga tulay, mga kanal, mga prinsa, at mga gusali.[1][2][3] Ang inhinyeriyang sibil ay ang pinaka matandang disiplina ng inhinyeriya pagkaraan ng inhinyeriyang pangmilitar,[4] at binigyan ito ng kahulugan upang maipagkaiba ang inhinyeriyang hindi pangmilitar magmula sa inhinyeriyang pangmilitar.[5] Nakaugalian itong hinahati-hati sa ilang mga kabahaging disiplina na kinabibilangan ng inhinyeriyang pangkapaligiran, inhinyeriyang geoteknikal, geopisika, geodesiya, inhinyeriyang pangkuntrol, inhinyeriyang estruktural, biyomekaniks, nanoteknolohiya, inhinyeriyang pangtransportasyon, agham na pangmundo, mga agham na pang-atmospera, inhinyeriyang porensiko, inhinyeriyang urbano (inhinyeriyang munisipal), inhinyeriyang hidroliko (inhiyeriya ng napagkukunan ng tubig) agham ng materyales (inhinyeriyang pangmateryales), pamamahala ng dalampasigan (inhinyeriyang kostal),[4] pagsusurbey, at inhinyeriyang pangkonstruksiyon.[6] Nagaganap ang inhinyeriyang sibil sa lahat ng mga antas: sa publikong sektor hanggang sa munisipal hanggang sa mga pamahalaang pambansa, at sa pribadong sektor mula sa mga indibiduwal na nagmamay-ari ng kabahayan hanggang sa mga kompanyang internasyunal.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. The American Heritage Dictionary of the English Language, Fourth Edition. Houghton Mifflin Company, 2004. [1] (accessed: 2007-08-08).
  2. "History and Heritage of Civil Engineering". ASCE. http://live.asce.org/hh/index.mxml?versionChecked=true. Hinango noong 2007-08-08. 
  3. "Institution of Civil Engineers What is Civil Engineering". ICE. http://www.ice.org.uk/downloads//little_book_full_colour.pdf. Hinango noong 2007-09-22. 
  4. 4.0 4.1 "What is Civil Engineering?". The Canadian Society for Civil Engineering. http://whatiscivilengineering.csce.ca/civil1.htm. Hinango noong 2007-08-08. 
  5. "Civil engineering". Encyclopædia Britannica. http://www.britannica.com/eb/article-9105844/civil-engineering. Hinango noong 2007-08-09. 
  6. Oakes, William C.; Leone, Les L.; Gunn, Craig J. (2001). Engineering Your Future. Great Lakes Press. ISBN 1-881018-57-1 



Inhinyeriya Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhinyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.