Ip Man
Ip Man | |
---|---|
Ipinanganak | 1 Oktubre 1893 Foshan, Guangdong, Qing Tsina |
Namatay | 2 Disyembre 1972 Mong Kok, Kowloon, Hong Kong[1] Kanser sa lalamunan | (edad 79)
Iba pang mga pangalan | Yip Man Yip Kai-man Ye Wen |
Tirahan | Hong Kong |
Nasyonalidad | Tsino |
Estilo | Wing Chun |
(Mga) Tagapagturo | Chan Wah-shun & Wu Chung-sok (吳仲素), sa kalaunan Leung Bik |
Ranggo | Gran Maestro |
Taon ng kasiglahan | 1967–1972 |
Kabuhayan | Nagsasanay sa sining pandigma |
Asawa | Cheung Wing-sing (Tsinong pinapayak: 张永成; Tsinong tradisyonal: 張永成; pinyin: Zhāng Yǒngchéng; Cantonese Yale: jēung wíhng sìhng) |
Tanyag na (mga) kamag-anak | Ip Chun (anak na lalaki; ipinanganak 1924), Ip Ching (anak na lalaki; ipinanganak 1936) |
Tanyag na (mga) estudyante | Bruce Lee, Ip Chun, Ip Ching, Chu Shong Tin, Lok Yiu, Leung Sheung, Wong Shun Leung, Ng Chan William Cheung, Moy Yat, Lo Man Kam |
Website | www.ip-man.co.uk |
Ip Man | |||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tradisyunal na Tsino | 葉問 | ||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 叶问 | ||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||
Yip Kai-man | |||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 葉繼問 | ||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 叶继问 | ||||||||||||||||||||||
|
Si Ip Man (Oktubre 1, 1893 – Disyembre 2, 1972), kilala din bilang Yip Man[2] ay isang Tsinong bihasa sa sining pandigma. Marami siyang naging mga mag-aaral na naging magagaling na guro sa sining pandigma sa kanilang sariling panahon. Isa sa kanyang mga tanyag na mag-aaral ay si Bruce Lee.
Kabataan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ip Man ay anak nina Yip Oi-dor at Ng Shui. Siya ay pangatlo sa apat na magkakapatid. Siya ay lumaki sa isang mayamang pamilya sa Foshan, Guangdong at doon din ay nakatanggap ng tradisyunal na edukasyong Tsino. Ang pangalan nang kanyang mga kapatid ay sina Yip Kai-gak (lalake), Yip Wan-mei (babae) at si Yip Wan-hum (babae).[3]
Si Ip Man ay nagsimulang matuto ng Wing Chun mula kay Chan Wah-shun noong siya ay 13 na taong gulang. Dahil si Chan ay 70 taong gulang na noong panahong iyon, si Ip na ang kanyang naging huling mag-aaral.[4][5] Dahil sa edad ng kanyang guro, natutunan ni Ip Man ang karamihan ng kanyang galaw at pamamaraan mula sa pangalawang pinakamatandang mag-aaral ni Chan na si Ng Chung-sok. Si Chan ay namatay tatlong taon pagkatapos magsimulang mag-aral ni Ip at isa sa kanyang kahilingan ay para kay Ng na ipagpatuloy ang pagtuturo kay Ip Man.
Sa edad na 15, si Ip ay pumuntang Hong Kong sa tulong nang kanyang kamag-anak na si Leung Fut-ting. Makalipas ang isang taon, siya ay pumasok sa St. Stephen’s College na isang sekondaryang paaralan para sa mayayamang pamilya at banyaga na nakatira sa Hong Kong.[3] Noong si Ip Man ay nasa St. Stephen’s, nakita niya ang mga pulis opisyal na binubugbog ang isang babae at siya ay nakialam.[3] Nagtangkang atakihin ng opisyal si Ip Man pero sinuntok ni Ip Man ang opisyal at tumakbo kasama ng kanyang kamag-aral papuntang paaralan. Naikwento nang kanyang kamag-aral ang nangyari sa isang matandang lalake na nakatira sa kanilang apartment o tinutuluyang bahay. Ang lalakeng ito ay nakipagkita kay Ip Man at nagtanong siya kung anong sining pandigma ang kanyang ginagamit. SInabi ng lalake kay Ip Man na ang kanyang porma ay hindi masyadong magaling.[3] Hinamon ng lalake si Ip Man gamit ang kanyang sariling sining pandigma na chi sao (isang porma ng pagsasanay kung saan kontrolado ang pagatake at depensa). Nakita ito ni Ip Man na isang oportunidad para mapatunayan ang kanyang galling pero siya ay natalo pagkatapos matamaan nang ilang beses. Nagpakilala ang kanyang katunggali bilang si Leung Bik, isang nakakatanda kay Chan Wah-shun at anak ng guro ni Chan na si Leung Jan. Pagkatapos ng paglalabang ito, ipinagpatuly ni Ip Man ang kanyang pag-aaral sa tulong ni Leung Bik.
Si Ip Man ay bumalik sa Foshan noong siya ay 24 na taong gulang at naging isang pulis.[3] Siya ay nagturo ng Wing Chun sa ilang katrabaho, kaibigan at kamag-anak ngunit hindi siya opisyal na nagpatakbo ng isang paaralan tungkol sa sining pandigma. Ilan sa kanyang mga naging mag-aaral ay sina Lok Yiu, Chow Kwong-yue, Kwok Fu, Lun Kah, Chan Chi-sun at Lui Ying. Sa mga nabanggit, sinasabing si Chow Kwong-yue ang pinakamagaling pero hindi kalaunan dahil pinagtuunan niya ng pansin ang komersyo at tumigil sa pag-aaral ng sining pandigma. Sina Kwok Fu at Lun Kah ay nagpatuloy sa pagtuturo ng kanilang sariling mga mag-aaral at ipinasa nila ang Wing Chun sa rehiyon ng Foshan at Guangdong. Sina Chang Chi-sun at Lui Ying ay pumuntang Hong Kong pero hindi na tumanggap ng mga mag-aaral. Si Ip Man ay tumira kasama ni Kwok Fu noong pangalawang digmaang Sino-Hapon at bumalik lamang ng Foshan pagkatapos nito kung saan ipinagpatuloy niya ang kanyang trabaho bilang isang pulis. Si Ip Man ay umalis ng Foshan at pumuntang Hong Kong noong 1949 matapos italaga ng Partido Komunista ng Tsina ang Republikang Bayan ng Tsina sa pangunahing lupain ng Tsina. SI Ip Man ay isang opisyal ng Kuomintang (Partido Nasyonalista ng Tsina o Chinese Nationalist Party), ang kalaban ng mga komunista noong Digmaang Sibil ng Tsina.[6]
Buhay sa Hong Kong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa simula, ang negosyo ni Ip Man na pagtuturo ng sining pandigma ay naging mahina dahil kaunting mga mag-aaral lamang ang tumatagal ng ilang buwan. Siya ay dalawang beses na naglipat ng paaralan. Una ay sa Daang Castle Peak na nasa Sham Shui Po at pangalwa ay sa Kalye Lee Tat na nasa Yau Ma Tei. Simula noon, ang kanyang mga mag-aaral ay naabot na ang galing na matuto ng Wing Chun at makapagsimula ng kanilang mga sariling paaralan. Ilan sa kanyang mga mag-aaral ay nakipagkompitensya sa ibang mga nagsasanay ng sining pandigma para makumpara ang kanilang galing at ang kanilang mga panalo ay nagpataas sa reputasyon ni Ip Man. Noong 1967, si Ip Man at ilan sa kanyang mga mag-aaral ay nagtayo ng Hong Kong Wing Chun Athletic Association.
Si Ip Man ay sinasabing regular na gumagamit ng opyo.[7] Isa sa kanyang mga dating mag-aaral na si Duncan Leung ay sinabing ginagamit ni Ip Man ang salapi mula sa matrikula upang masuportahan ang kanyang pagkalulong sa opyo.[8].
Pagkamatay at pamana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ip Man ay namatay noong Disyembre 2, 1972 dahil sa kanser sa lalamunan[9].
Ang kanyang pamana ay ang pag-aaral ng Wing Chun sa buong daigdig. Ilan sa kanyang magagaling na mag-aaral ay sina Leung Sheung, Lok Yiu, Leung Ting, Chu Shong-tin, Wong Shun leung, Wong Kiu, Yip Bo-ching, William Cheung, Hawkins Cheung, Bruce Lee, Wong Long, Wong Chok, Law Bing, Lee Shing, Ho Kam-ming, Moy Yat, Duncan Leung, Derek Fung Ping-bor, Chris Chan CHing, Viktor Kan Wah Chit, Stanley Chan, Chow Sze, Chuen, Tam Lai, Lee Che-kong, Kang Sin-sin, Simon Lau, ang kanyang pamangkin na si Lo Man-kam at mga anak na sina Ip Ching at Ip Chun.
Nag-iwan din si Ip Man ng isang tala tungkol sa Wing Chun.[10] Maraming sa kanyang kagamitan ay makikita sa museo ng “Yip Man Tong” sa Lumang Templo ng Foshan.[11]
Sa kulturang popular
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Ip Man, ay isang pelikula na nakabatay sa buhay ni Ip Man. Ito ay inilabas sa mga sinehan noong 2008 at si Donnie Yen ang gumanap bilang Ip Man. Ang pelikula ay nagkaroon ng ilang mga pagkakaiba mula sa buhay ni Ip Man para magkaroon ng karagdagang drama ang salaysayin. Ang panganay na anak ni Ip Man na si Ip Chun ay lumabas sa pelikula at nagsilbing kasangguni sa proyektong ito. Ang pelikula ay nakatuon sa buhay ni Ip Man noong dekada 1930 hanggang dekada 1940. Ang proyektong ito ang unang pelikulang nakabase sa buhay ni Ip Man. Ang kasunod nitong Ip Man 2 ay nakatuon sa pagsisimula ni Ip Man sa Hong Kong kasama ang kanyang mga disipulo kasama na si Bruce Lee.
Isa pang pelikula ang lumabas tungkol kay Ip Man na may pamagat na The Legend is Born - Ip Man. Ito ay inilabas sa mga sinehan noong Hunyo 2010. Si Herman Yau ang direktor ng pelikula at si Dennis To ang gumanap na Ip Man. Si Ip Chun ay nagkaroon ng espesyal na paglabas sa pelikula bilang si Leung Bik.
Ang pelikula ni Wong Kar-wai na The Grandmaster kung saan si Tony Leung ang gaganap na Ip Man ay nailabas noong 2012. Si Yu Chenghui ay gumanap na Ip Man sa The Legend of Bruce Lee,[12] isang serye sa telebisyon noong 2008 na nakabase sa buhay ni Bruce Lee na isa sa mga mag-aaral ni Ip Man.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "影武者‧ 葉問次子葉正專訪 (Ekslusibong Panayam sa ikalawang anak ni Ip Man na si Ip Ching)" (sa wikang Tsino). Ming Pao Weekly Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2013. Nakuha noong 18 Pebrero 2013.
旺角通菜街一百四十九號一個單位內, ... 傳奇的老者在那個單位的一張沙發上遽然離世。 [Salin: ... sa isang yunit sa 149 Kalye Tung Choi, Mong Kok, ... ang malaalamat na matanda na pumanaw agad-agad sa kanyang supa sa yunit na iyon.]
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ayon sa pagkasulat sa naka-Romanong teksto sa kanyang pasaporte na makikita sa museo ng Yip Man Tong sa Foshan sa Tsina.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Yip Man – Portrait of a Kung Fu Master, Pahina:3, May-akda: Ip Ching at Ron Heimberger, Paperback: 116 pahina, Tagpaglathala: Cedar Fort (23 Enero 2001), ISBN 1-55517-516-3, ISBN 978-1-55517-516-0 (Sa Ingles)
- ↑ "Sam kwok Wing Chun – Yip Man Family Tree" (sa wikang Ingles). Kwokwingchun.co.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-13. Nakuha noong 29 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mastering Wing Chun, ni Samuel Kwok
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-05. Nakuha noong 2012-04-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bruce Lee: Fighting Spirit: A Biography, Bruce Thomas, p. 208 "Both Bruce's father and even his wing chun master Yip Man were no strangers to the opium pipe." (Sa Ingles)
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-04-02. Nakuha noong 2012-04-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Complete Wing Chun: The Definitive Guide to Wing Chun's History and Traditions, Robert Chu, Rene Ritchie,Y. Wu, p. 9, 160 pahina, Tuttle Publishing; unang edisyon (15 Hunyo 1998), Sa Ingles, ISBN 0-8048-3141-6, ISBN 978-0-8048-3141-3
- ↑ "chinese-history"
- ↑ "Ip Man tong virtual tour". Foshanmuseum.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Nobyembre 2011. Nakuha noong 29 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ip Man (Character)". Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Disyembre 2016. Nakuha noong 4 Peb 2011.
TV episode, Played by Cheng-Hui Yu (as Ye Wen)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)