Itim na butas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang paglalarawan ng isang itim na butas sa kalawakan.

Ang itim na butas (Ingles: blackhole) ay isang rehiyon sa espasyo-oras na bumaluktot na wala kahit liwanag ay maaring makatakas dito. Ito ay isa sa mga prediksiyon ng Teoriyang pangkalahatang relatibidad ni Albert Einstein na ang isang sapat na siniksik na masa(mass) ay maaaring magpabaluktot ng espasyo-oras upang lumikha ng itim na butas. Ang pag-iral ng mga itim na butas ay hindi direktang maoobserbahan kundi sa pamamagitan lamang ng pagmamasid ng mga grabitasyonal na interaksiyon nito sa mga nakapaligid dito. Si Stephen Hawking ang nagsabing ang mga pangkalawakang butas ang nagbubuga ng mga rayos ekis, isang pananaw na kontra sa paniniwala noon ng mga siyentipiko.

Pagkabuo[baguhin | baguhin ang batayan]

Nabubuo ang butas na itim dahil sa supernoba o pagsabog ng isang bituin. Pagkaraan ng pagsambulat na ito, "kinakain" ng pusod ng pagsabog ang paghila ng natitirang bituin at lumalakas pa ito. Kahit ang liwanag ay hindi nakakalabas dahil sa palakas nang palakas na paghila.

May isang teoryang nagsasabing ang itim na butas ay isang bituing neyutron, dahil ito ang pusod nang sumabog na bituin. Ayon sa teorya, nagkakaroon ng isang napakaliit na maliit na bagay na nabuo mula sa mga atomo ng isang napakalaking bituin na naubusan na ng gatong o enerhiyang nukleyar na paglaon ay humina at nabuwag na ng tuluyan, hanggang sa ito'y mapapasinsin o masisiksik ng tuluyan hanggang sa marating na nito ang Swarzchild Radius o ang isang bagay na kasinlaki ng isang holen na kasing bigat ng maraming bilyon bilyong tonelada, na siyang kilala sa pangalang "singularity". Ang napakalakas na paghila o atraksiyong grabitasyunal ng katawan ang pumipigil sa pagkawala ng lahat ng mga materya at enerhiya kasama na ang enerhiya ng liwanag. Dahil walang liwanag na makalabas mula sa bagay na ito, hindi ito makikita sa kalawakan. Dito nagmula ang katawagang itim na butas.[1]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Black hole". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa titik na B, pahina 516.



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.