Joe "King" Oliver

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Joe "King" Oliver
Si Joseph Oliver noong 1915.
Kabatiran
Kapanganakang pangalan Joseph Nathan Oliver [1]
Kilala rin bilang King Oliver
Kapanganakan 19 Disyembre 1881(1881-12-19)
Pinanggalingan Aben, Louisiana, Estados Unidos
Kamatayan 10 Abril 1938 (edad 52)
Genre Jazz
Dixieland
Mga Gawain Pinuno ng banda
Mga Instrumento Cornet
Mga nakaugnay na akto Louis Armstrong
Johnny Dodds

Si Joseph Nathan Oliver, na mas nakikilala bilang Joe "King" Oliver (19 Disyembre 1881 – 10 Abril 1938), ay isang manunugtog ng cornet at pinuno ng banda sa larangan ng musikang jazz. Partikular siyang kinikilala dahil sa kaniyang estilo ng pagtugtog at sa pagsisimula niya ng paggamit ng mga mute sa jazz. Bilang isa ring kapansin-pansing kompositor, nagsulat siya ng maraming mga tugtugin na tinutugtog pa rin magpahanggang sa kasalukuyan, kabilang na ang "Dippermouth Blues", "Sweet Like This", "Canal Street Blues" at "Doctor Jazz". Siya ang tagapagturo at tagapagpayo ni Louis Armstrong. Inilirawan ni Armstrong ang impluwensiya ni Oliver bilang "kung hindi dahil kay Joe Oliver, ang Jazz ay hindi magiging katulad ng kung ano ito sa ngayon."[2]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. http://www.doctorjazz.co.uk/draftcards2.htm
  2. "Satchmo - My Life in New Orleans"



TalambuhayMusika Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.