Jonas Salk

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Jonas Salk
Kapanganakan 28 Oktubre 1914
Lungsod ng New York
Kamatayan 23 Hunyo 1995
La Jolla
Pagkamamamayan Estados Unidos
Alma mater City College of New York, Unibersidad ng Michigan
Hanapbuhay mediko, biyologo, epidemyologo‎
Lagda ni Jonas Salk.

Si Jonas Edward Salk (28 Oktubre 1914 – 23 Hunyo 1995) ay isang Amerikanong mananaliksik na pangmedisina at birologo (birolohista), na pinaka nakikilala dahil sa kaniyang pagkakatuklas at pagkakapaunlad ng unang matagumpay na bakuna laban sa polyo sa Pittsburgh, Pennsylvania.

Si Salk ay ipinanganak sa Lungsod ng New York, New York noong 1914 sa isang mag-anak na Hudyong Irlandes. Nag-aral siya sa City College of New York at sa Pamantasan ng New York. Kasal si Salk kay Donna Lindsey mula 1939 hanggang sa magdiborsiyo sila noong 1968. Nagkaroon siya ng tatlong mga anak kay Lindsey. Pagkaraan ay naging kasal siya kay Françoise Gilot mula 1970 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1995. Namatay si Salk habang nasa kaniyang tahanan sa La Jolla, California dahil sa pagpalya ng puso, sa gulang na 80.[1] Inilibing siya sa El Camino Memorial Park sa San Diego, California.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. The New York Times, Dr. Jonas Salk, Whose Vaccine Turned Tide on Polio, Dies at 80 1995-06-25. Nakuha noong 2010-07-15.


Mga kawing na panlabas[baguhin]

Wikiquote-logo-en.svg
May koleksiyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles ukol sa:



TalambuhayMedisinaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Medisina at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.