Kagandahan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
"Ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin."

Ang ganda[1] o kagandahan[1] (Ingles: beauty[1], charm) ay isang katangian ng isang tao, hayop, lokasyon o pook, bagay, o ideya na nagbibigay ng karanasan ng pananaw o hiwatig ng kaligayahan, kahulugan, o pagkapuno (satispaksiyon). Pinag-aaralan ang kagandahan bilang bahagi ng estetika, sosyolohiya, sikolohiyang panlipunan, at kalinangan. Bilang isang nilikhang pangkultura, labis na naging komersyalisado ang kagandahan. Isang katauhan o katawan ang "huwarang kagandahan" o "kagandahang ideyal" na hinahangaan, o nag-aangkin ng mga katangiang malawakan ibinubunton sa diwa ng kagandahan sa isang partikular na kultura, para sa perpeksiyon.

Kalimitang kinasasangkutan ang pagkaranas ng "kagandahan" ng pagkakaunawa ng ilang mga entidad bilang nasa loob ng balanse at harmoniya ng kalikasan, na maaaring humantong sa mga damdamin ng pagkaakit at mabuting kapakanang pangdamdamin. Dahil sa isa itong karanasang nasa isip, personal, o pangsarili, malimit na sinsabing "ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin."[2][3] Sa diwa nitong pinakamarubdob, maaaring magbunga ang kagandahan ng isang kapuna-punang karanasan ng positibong maingat na paglilimi hinggil sa kahulugan ng pansariling pag-iral. Ang paksa ng kagandahan ay anumang bagay na nag-aalingawngaw ng kahulugang pansarili.

Kasingkahulugan ang salitang kagandahan ng maganda, kariktan[1], dilag, karilagan, bighani, alindog[1]; maaari ring katumbas ng inam, igi, kaigihan, bentahe, kalamangan, at aya.[4] Partikular na nangangahulugan ang alindog ng matinding kagandahan o napakaganda, na katumbas din ng mga salitang dikit[1] at dingal. Katumbas ng maalindog ang pagiging kaakit-akit.[5] Bukod sa kagandahan, maaari ring tumukoy ang alindog sa karinyo[5], lambing[5], kalinga[5], bait[5], o kaya sa papuring paimbabaw o tuya.[1]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Blake, Matthew. (2008). "Beauty, alindog". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa Beauty at Alindog.
  2. Salin ng "beauty is in the eye of the beholder."
  3. Gary Martin (2007). "Beauty is in the eye of the beholder". The Phrase Finder. http://www.phrases.org.uk/meanings/59100.html. Hinango noong 4 Disyembre 2007. 
  4. Gaboy, Luciano L.. "Beauty". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 "Alindog, great beauty or charm; maalindog, kaakit-akit; karinyo, bait, lambing". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 34.



SiningKultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining at Kultura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.