Kalinangang Nok

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang halimbawa ng istatwang gawa ng mga Nok.

Ang mga Nok ay mga taong namuhay sa pangkasalukuyang hilagaing Nigeria mula mga 900 BK. Sila ang pinakamaagang mga taong gumawa ng mga iskultura sa Itim na Aprika.[1]

Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinawag na mga Nok ang mga taong ito ayon sa maliit na nayon ng Nok na matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng bayan ng Kano. Tinaguriang kalinangang Nok o kulturang Nok ang sining at gawi sa pamumuhay ng hindi nakikilalang mga taong ito. Natagpuan ang mga labi o bakas ng kanilang sining at gawi sa maraming mga sityong nasa pook na nasa hilaga ng dugtungan ng mga kailugan ng Niger at Benue.[1]

Mga istatwa[baguhin | baguhin ang batayan]

Unang natagpuan ng mga arkeologo ang mga istatwang gawa ng mga Nok noong 1931. Yari ang mga ito sa mga kasangkapang gawa sa putik o seramika. Ilan sa mga ito ang kasinglaki ng tunay na ulo ng tao. May iba namang maliit na huwaran ng mga hayop at mga tao. May mga butas sa mga tainga ang lahat ng mga istatwang ulo ng tao, kaya't pinaniniwalaang nagsuot ng mga alahas ang mga taong Nok. Batay sa mga istatwang natagpuan, pinaniniwalaan rin na mga magsasaka ang mga taong ito.[1]

Mga kasangkapan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagbubo o nagtunaw rin ang mga Nok ng mga bakal. Gumawa rin sila ng mga batong palakol.[1]

Wakas ng kalinangan[baguhin | baguhin ang batayan]

Walang nakatitiyak kung kailan nagtapos ang kabihasnang Nok. Maaaring nagmula sa sibilisasyong Nok ang pangkasalukuyang tribo ng Yoruba.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp.. (1985). "Who were the Nok people?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 15.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.