Karit (isang kamay)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang karit sa isang Polandes na sakahan

Ang karit ay isang kagamitan agrikultural na hinawakan. Ito ay may kurbang talim at kalimitang ginagamit sa ang gapas ng mga butil o pagputol ng mga damo para sa hay. Ang talim nito ay nasa loob para magamit sa pagputol ng puno ng halaman. Sabay nitong hinihila at pinuputol ang puno ng halaman. Ang puputuling bagay ay maaaring hawakan ng malayang kamay, ng isang patpat o kaya hindi na lang hahawakan (tulad sa pangagagapas). Kung hahawakan ang bagay ay papunta sa tagagamit. Kung hindi hahawakan, ang pagputol ay papalayo sa tagagamit.

Ang talim ng karit ay nakabaliko sa isang gilid upang mas itong mapalapit sa lupa. Dahil dito ay kanan ito o kaya minsan ay kaliwete. Ang panggapas na karit ay malimitang serrated.

Ang karit ay pinalitan na ng karit na dalawang kamay na mas madaling gamitin. Subalit ginagamit pa rin ito sa ibang ng mundo o kaya sa mga lugar na ang pangdalawang kamay na karit ay hindi madaling magagamit. Ang malaking pagkakaiba ng pang-isang kamay at pangdalawang kamay na karit ay mas mahaba ang hawakan at talim ng pangdalawang kamay na karit at ginagamit ito ng nakatayo.

Ang talim ni karit na ginagamit sa mga pagputol ng katawan ng mga seryal na halaman na mayaman sa silica ay nagkakaroon ng sickle-gloss, isang uri pagpurol. Pagnakikita ito sa mga sinaunang batong kasangkapan, nagpapakita ito ng pagunlad ng agrikultural na paggamit.

Sa mga alamat ng mga Griyego, ang karit ay sandata na ginagamit ni Cronus at Perseus.

Iba pang gamit[baguhin]

Silipin din[baguhin]

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na: