Kawalang trabaho

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Kawalang trabaho (Ingles: unemployment o joblessness) ay nangyayari kapag ang mga tao ay walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng trabaho.[1] Ang rate ng kawalang trabaho ay isang sukat ng pagiging laganap ng kawalang trabaho at kinukwenta bilang isang persentahe na hinahati ng bilang ng mga indibidwa lna walang trabaho ng lahat ng mga indbidwal na kasalukuyang nasa pwersang trabaho. Sa mga panahon ng resesyon, ang ekonomiya ay karaniwang nakararanas ng isang relatibong mataas na rate ng kawalang trabaho.[2] Sa isang balita noong 2011, iniulat ng BusinessWeek na "higit sa 200 milyong mga tao sa buong mundo ay walang trabaho, isang mataas na rkord na halos dalawang-tatlo ng mga maunlad na ekonomiya at ang kalahati ng mga umuunlad na bansa ay nakararanas ng isang pagbagal sa paglago ng trabaho."[3] Mayroong natitirang mahalagang debateng teorteikal tungkol sa mga sanhi, konsekwensiya at mga solusyon sa kawalan ng trabaho. Ang ekonomikang klasiko, ekonomikang neoklasiko at Eskwelang Austrian ng ekonomika ay nangangatwirang ang mga mekanismo ng pamilihan ay maaasahang paraan ng paglutas ng kawalang trabaho. Ang mga teoriyang ito ay nangangatwiran laban sa mga panghihimasok na itinakda ng pamilihan ng trabaho mula sa labas gaya ng unionisasyon, mga batas ng minimum na sahod, mga buwis, at iba pang mga regulasyon na kanilang inaangking pumipigil sa pagupa ng mga manggagawa. Ang ekonomikang Keynesian ay nagbibigay diin sa kalikasang siklikal ng kawalang trabaho at nagrerekomiyenda ng mga panghihimasok na inaangking nitong nagpapabaws ng kawalang trabaho tuwing may resesyon. Ang teoriyang ay pumopkus sa paulit ulit na mga shock ng suplay na biglaang nagpapabaw ng agregatong pangangailangan para sa mga kalakal at serbisyo at kaya ay nagbabawas ng pangangailangan para sa mga manggagawa. Ang mga modelong Keynesian ay nagrerekomiyenda ng mga panghihimasok ng pamahalaan na ginawa upang pataasing ang pangangailangan para sa mga manggagawa. Ang mga ito ay maaring kabilangan ng mga stimulus na pinansiyal, pinondohan ng publikong paglikha ng trabaho, at pagpapalawig na mga patakarang pang-salapi. Si Georgists na kalahating siglo bago si Keynes ay nagbigay pansin rin sa kalikasang siklikal ngunit pumokus sa papel ng spekulasyon sa lupain na nagpapataas ng rentang ekonomika. Ang gawaing ekonomiko ay hindi masusutentuhan sa bula ng renta dahil ang renta ay dapat bayarin ng karamihan mula sa mga sahod(bunga ng trabaho) gayundin mula sa interest(bunga ng kapital o puhunan). Kapag ang spekulasyon ay napiga na mula sa sistema, ang siklo ng spekulasyon ng lupain ay magsisimulang muli.[4] Kaya itinaguyod ni Henry George ang pagbubuwis ng mga halagang lupain(isang buwis upang pigilan ang spekulasyo ng lupain at upang matanggal ang pagbubuwis sa trabaho at kapital. Tinutulan ni George ang nasyonalisasyon ng lupain at mga teoriya ni Karl Marx. Ang Marxismo ay nakapokus sa mga relasyon sa pagitan ng mga may ari at mga manggagawa na inaangkin nitong ang mga may ari ay naglalaban sa bawat isa sa isang patuloy na pakikibaka para sa mga trabaho at mas mataas na mga sahod. Ang kawalang trabaho na nilikha ng pakikibakang ito ay sinasabing nagbibigay pakinabang sa sistema sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga gastos ng sahod para sa mga may ari. Para sa mga Marxista, ang mga sanhi at mga solusyon sa kawalang trabaho ay nangangailangan ng pagbuwag ng kapitalismo at paglipat sa sosyalismo o komunismo. Sa karagdagan sa mga tatlong komprehensibong teoriyang ito ng kawalang trabaho, may ilang mga kategorisasyon ng kawalang trabaho na ginagamit upang mas tiyak na imodelo ang mga epekto ng kawalang trabaho sa loob ng sistemang ekonomiko. Ang pangunahing mga uri ng kawalang trabaho ay kinabibilangan ng istraktural na kawalang trabaho na pumopokus sa mga problemang istraktural sa ekonomiya at mga kawalang kaigihan na likas sa mga pamilihan ng trabaho kabilang ang isang hindi pagtutugma s apagitan ng suplay at pangangailangan ng mga manggagawa na may kinakailangang hanay ng kasanayan. Ang mga argumentong istraktural ay nagbibigay diin sa mg asanhi at solusyon na kaugnay ng mga teknolohiyang disruptibo at globalisasyon. Ang mga talakayan sa priksiyonal na kawalang trabaho ay nakapokus sa mga boluntaryong desisyon ng trabaho bata sa baluasyon ng bawat indibidwal ng kanilang sariling trabaho at kung paano ito humahambing sa kasalukuyang mga rate ng sahod na dinagdagan ng panahon at pagsisikap na kailangan upang makahanp ng isang trabaho. Ang mga sanhi at solusyon para sa priksiyonal na kawalang trabaho ay kadalasang tumutugon sa mga harang sa pagpasok at mga rate ng sahod. Ang ekonomikang pang-asal ay nagbibigay diin sa mga pagkiling ng indibidwal sa paggawa ng desisyon at kadalasang sumasangkot sa mga problema at solusyon ukol sa mga madikit na sahot at mga kaigihang sahod.

Mga sanggunian[baguhin]