Kilt

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang kilt.

Ang kilt ay isang uri ng palda o saya na isinusuot ng mga kalalakihang Eskoses.[1] Katulad ito ng pustanela ng Gresya, na isinusuot naman ng mga kalalakihang Griyego.

Sa Eskosya, isa itong tradisyunal o pangseremonyang piraso ng pananamit, katulad ng isinusuot ng mga kalalakihang kawal na Eskoses . Gawa ito mula sa hinabing telang nagbuhat sa balahibo ng tupa at may padrong tartan o kuwadra-kuwadrado. Ginagamit din itong tradisyunal na damit ng mga sundalong Kanadyano at ng mga tumutugtog ng pipang may supot sa Eskosya. Isinusuot din ito ng mga lalaki sa araw o pagdiriwang ng kasal.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Kilt". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.