Kim Jong-un

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Kim.

Si Kim Jong-un[1] (Pagbabaybay sa Koreano: [kimdʑʌŋɯn]) (ipinanganak noong 8 Enero 1983 o 1984)[2] — binabaybay din na mayroong romanisasyon na Kim Jong-eun, Kim Jong Un o Kim Jung-eun[3] — ay ang kataas-taasang pinuno ng Hilagang Korea, na anak na lalaki ni Kim Jong-il (1941–2011) at apo ni Kim Il-sung (1912–1994). Hinawakan niya ang mga titulong Unang Kalihim ng Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea, Tagapangasiwa o Chairman ng Pangunahing Komisyong Militar, Unang Tagapangasiwa ng Pambansang Komisyon ng Tanggulan ng Hilagang Korea, Kataas-taasang Tagapag-atas ng Hukbong Bayan ng Korea, at bilang isang kasaping presidyum ng Sentral na Polituburo ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea. Opisyal siyang naideklara bilang kataas-taasang pinuno kasunod ng paglilibing na pang-estado ng kaniyang ama noong 28 Disyembre 2011.[4] Siya ang pangatlo at bunsong anak na lalaki ni Kim Jong-il at ng konsorte ni Kim Jong-il na si Ko Young-hee.[5] Magmula noong hulihan ng 2010, tinanaw si Kim Jong-un bilang waring tagapagmana sa pagkapinuno ng bansa, at kasunod ng kamatayan ng kaniyang ama, ipinahayag siya bilang "Dakilang Kahalili" ng telebisyong pang-estado ng Hilagang Korea.[6] Sa serbisyong memoryal ni Kim Jong-il, ipinahayag ng Tagapangasiwa ng Kataas-taasang Kapulungan ng Bayan ng Timog Korea na si Kim Yong-nam na si Kim Jong-un ay isang iginagalang na katoto na kataas-taasang pinuno ng kanilang partido, militar at bansa na nagmamana ng ideolohiya, pamumuno, katangian, mga pagpapahalaga, tibay ng loob at katapangan ng dakilang katotong si Kim Jong-il.[7] Noong 30 Disyembre 2011, pormal na itinalaga si Kim Jong-un ng Politburo ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea bilang Kataas-taasang Tagapag-atas ng Hukbong Bayan ng Korea.[8] Noong 11 Abril 2012, inihalal siya noong ika-4 na Pagpupulong ng Partido sa bagong likhang puwesto na Unang Kalihim ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea.

Iniangat siya sa ranggong marsiyal ng DPRK sa loob ng Hukbong Bayan ng Korea (Korean People's Army) noong 18 Hulyo 2012, na nagpisan-pisan at nagpatatag ng kaniyang katungkulan bilang kataas-taasang komandante ng mga sandatahang lakas.[9] Nakatanggap siya ng dalawang mga degri, isa sa pisika mula sa Pamantasan ng Kim Il-sung at ng isa pa mula Pamantasang Pangmilitar ng Kim Il-sung.[10][11] Sa gulang na 30–31, siya ang pinakabatang pinuno ng estado sa buong mundo.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. (Koryano)""청년대장 김정은"... 북 후계자 시사 벽보 찍혔다". Kyunghyang Shinmun. 25 Setyembre 2009. http://news.khan.co.kr/kh_news/khan_art_view.html?artid=200909250545185&code=910303. Hinango noong 2 Disyembre 2010. 
  2. "Profile: Kim Jong-un". BBC News. 22 Setyembre 2010. http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-pacific-11388628. Hinango noong 28 Setyembre 2010. 
  3. Note: hanggang sa kamakailan, ang pangalan ni Jong Eun ay binabaybay nang magkaiba sa Koreano at sa Ingles, na nagdulot na siya ay makilala bilang Jong-Woon. Tinutukoy siya ng Korean News Service bilang Kim Jong Un, habang ang midya ng Timog Korea ay gumagamit ng Eun sa kasalukuyan. Daily NK.
  4. North Korea tells rival SKorea and other nations not to expect any change, despite new leader. The Associated Press (via Yahoo! News). 29 Disyembre 2011. Ca.news.yahoo.com. Nakuha noong 1 Enero 2012.[patay na kawing]
  5. Moore, Malcom. Kim Jong-un: a profile of North Korea's next leader. The Daily Telegraph. 2 Hunyo 2009
  6. Alastair Gale (18 Disyembre 2011). "Kim Jong Il Has Died". The Wall Street Journal Asia. http://online.wsj.com/article/SB10001424052970204791104577107350219610874.html. Hinango noong 19 Disyembre 2011. 
  7. "Kim Jong Il son declared 'supreme leader' of North Korea's people, party and military". Washington Post. 28 Disyembre 2011. http://www.washingtonpost.com/world/asia-pacific/north-korea-calls-kim-jong-ils-son-supreme-leader-as-massive-crowd-gathers/2011/12/28/gIQA4w1QNP_story.html. Hinango noong 29 Disyembre 2011. [patay na kawing]
  8. "N.Korea declares Kim Jong-Un commander of military". Agence France-Presse. 30 Disyembre 2011. Archived from the original noong 2012-01-08. http://web.archive.org/web/20120108034655/http://www.google.com/hostednews/afp/article/ALeqM5jJYCeXinUm40ybUlJzb4_aOAiSAQ?docId=CNG.abd2d9a288a1831892829dfc484f077e.6a1. Hinango noong 30 Disyembre 2011. 
  9. "North Korea's Kim Jong-un named 'marshal'". BBC News. 18 Hulyo 2012. http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-18881524. Hinango noong 18 Hulyo 2012. 
  10. Kim Jong Un makes first appearance since father's death (Los Angeles Times, 20 Disyembre 2011). Latimesblogs.latimes.com (20 Disyembre 2011). Nakuha noong 1 Enero 2012.
  11. Powell, Bill. (22 Disyembre 2011) The Generals Who Will Really Rule North Korea (TIME, 22 December 2011). Time.com. Nakuha noong 1 Enero 2012.