Komunikasyong interpersonal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Komunikasyong Interpersonal)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang komunikasyong interpersonal ay isang uri ng komunikasyon na nangyayari at nagaganap sa pagitang ng dalawa o higit pang tao. Isa ito sa mga pangunahing sangay ng Komunikasyon. Ang simpleng pakikipag-usap sa ating mga guro, mga kagrupo o magulang ay mga halimbawa na ng komunikasyong interpersonal. Maaaring berbal, di berbal, pasulat o pakikinig ang interpersonal na komunikasyon at ang tatalakayin sa pahinang ito ay ang berbal na interpersonal na komunikasyon.

Maaaring sa pagitan ito ng dalawang tao o isang grupo. Sa interpersonal na komunikasyon, merong mananalita at tagapakinig at pwedeng parehong gampanan ito ng bawat kalahok o kasapi ng usapan. Ang interpersonal na komunikasyon ay pwedeng maganap ng harapan (face to face) o sa pagitan ng isang midyum o paraan (computer-mediated etc.).

Mga halimbawa[baguhin | baguhin ang batayan]

Komunikasyon ng dalawang tao[baguhin | baguhin ang batayan]

- Ito marahil ang pinaka simple ngunit pinaka madalas na komunikasyong interpersonal na kinalalahukan ng mga tao. Maaaring usapan ito sa pagitan ng magkaibigan, o kahit ang pagtatanong ng direksiyon ng isang tao ay isa na rin interpersonal na komunikasyon.

Interbyu[baguhin | baguhin ang batayan]

- Ang interbyu ay isang usapang pagtatanong sa pagitan ng dalawang tao. Maaaring ito ay malayang pagiinterbyu kung saan ay may nagtatanong at may sumasagot ng mga katanungang ito. Maaari ring ang dalawang panig ay walang binabasang kung ano man o may iskrip. Kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag ito para sa isang show o pahayagan upang mailathala.

Komunikasyon ng munting grupo[baguhin | baguhin ang batayan]

- Maaaring maganap ito sa pagitan ng isang grupo. Pwede itong maging isang simpleng kwentuhan lamang ng isang grupo ng magkakaibigan o isang pormal na talakayan sa pagitan ng mga mag-aaral o maging lider ng mga bansa. Sinasabing mas kumplikado ang komunikasyong ito lalo na kapag pormal sa pagitan ng maraming tao dahil nangangailangan ito ng kooperasyon ng bawat miyembro. At dahil dito ay baka mas matagalan ang pagreresolba ng mga isyu at usaping tinatalakay.