Kondehan ng San Diego, Kaliporniya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
San Diego County, Kaliporniya
Map
Map of Kaliporniya highlighting San Diego County
Lokasyon ng estado ng Kaliporniya
Mapa ng Estados Unidos na napapakita ng lokasyon ng Kaliporniya
Lokasyon ng Kaliporniya sa Estados Unidos
Statistics
Founded 1850
Seat San Diego
Largest City San Diego
Area
 - Total
 - Land
 - Water

4,526 sq mi (11,722 km²)
4,200 sq mi (10,878 km²)
326 sq mi (844 km²), 7.20%
Population
 - (2000)
 - Density

2,813,833
671/sq mi (259/km²)
Website: www.co.san-diego.ca.us
Named for: San Diego City

Ang San Diego County ay isang county sa a county sa Katimugang Kaliporniya, Estados Unidos na matatagpuan sa silangang dalampasigan ng Karagatang Pasipiko sa malayong timog-kanluran ng estado ng Kaliporniya, Estados Unidos na naghahanggan sa Mehiko. Ayon sa senso noong 2000, ang county ay may kabuuang pupulasyon na 2,813,833, upang maging ikatlong pinakamatong county sa Estados Unidos. Ang populasyon nito noong 2007 ay umabot sa 3,098,269 katao, upang malagpasan nito ang Orange County [1] Ang county seat ay ang lungsod ng San Diego.

Kasaysayan[baguhin]

Ang pananatili ng mga Europeo sa ngayon ay San Diego County ay nagsimula ng matagpuan ang Mission San Diego de Alcala ng mga Kastila, noong 1769.

Ang San Diego County ay naging bahagi ng Estados Unidos dulot ng Kasunduan ng Guadalupe Hidalgo nooong 1848, na nagwawakas sa Digmaang Mehikano-Amerikano. Ang kasunduang ito ay nagsagawa ng mga bagong hangganan na nagwawakas sa baybayin ng Karagatang Pasipiko na nagdulot ng pag-alis ng isang liga ng mga Kastila sa timog ng dulong katimugang bahagi ng Look ng San Diego, na nag-papasigurado sa Estados Unidos na makuha ang mahusay na natural na daungan.

Ang San Diego County ay isa sa mga tunay na county ng Califonia, at nabuo noong panahon ng pagkakatatag noong 1850. Isinunod ang pangalan nito sa Look ng San Diego, na ipingalan naman bilang pag-alala sa Fransiskanong San Didacus ng Alcalá, na mas kilala sa Kastila bilang San Diego de Alcalá de Henares.

Bilang orihinal na nagawang county noong 1850, ang San Diego Coutny ay may kalakakihan na kinabibilangan ng halos lahat ng timog-silangang California at silangan ng Los Angeles County. Kaya't nakapaloob dito dati ang pangunahing bahagi ng mga county ng Inyo, San Bernardino, Riverside at Imperial.

Naging saksi ang huling bahagi ng ika-19 na dantaon sa maraming pagbabago ng hangganan ng mga county. Ang pinakahuli dito ay ang pagbuo ng Riverside County, noong 1893, at ng Imperial County, noong 1907.

Heograpiya[baguhin]

Ayon sa U.S. Census Bureau, ang county ay may kabuuang sukat na 11,721 km² (4,526 mi²).

Ang San Diego County ay iba't ibang topograpiya. Sa kanluran bahagi nito ay ang pitongpung milyang baybayin. Mayelong kabundukan naman ang bumubuo sa hilagang silangan, kasama ang Disyerto ng Sonoran sa dulong silangan. Ang Pambansang Kagubatan ng Cleveland ay matatagpuan sa kabuuan ng gitnang bahagi ng county, samantalang ang Anza-Borrego Desert State Park ang bumubuo sa hilagang silangan.

Mga Lungsod at bayan sa San Diego County[baguhin]

Mga Nakapaloob na Lungsod

Karamihan sa mga lungsod na makikita mula sa itaas ay bahagi ng San Diego-Tijuana metropolitan area.

Mga Pamayanang hindi Nakapaloob

Mga Pamayanang Urban ng San Diego County[baguhin]

Sa San Diego County, karamihan sa mga lungsod urban at mga pamayanan ay nasa bahaging timog ng Interstate 8.

Mga kalapit na county at municipios[baguhin]

Inprastrukturang Pangtransportasyon[baguhin]

Pangunahing Lansangan[baguhin]

Paliparan[baguhin]

Demograpiya[baguhin]

Noong 2006, mayroong 2,941,454 katao, 1,067,846 kabahayan, at 663,449 mag-anak ang naninirahan sa county. ang dami ng tao ay nasa 670 katao bawat milya parisukat (259/km²). Ang bumubuo sa mga lahi dito ay 52.3% ay mga puti, 10.2% ay Asyano, 5.6% Aprikanong-amerikano, 0.86% mga katutubong amerikano, 0.78% mga lahing Pasipikano, 13% mula sa iba pang mga lahi, at 5% ay mula sa higit o dalawang magkahalong lahi. 29.9% ng populasyon ay Latino.

Mga Talasanggunian[baguhin]

Mga Kawing Panlabas[baguhin]

Padron:San Diego County

Mga koordinato: 33°01′N 116°46′W / 33.02°N 116.77°W / 33.02; -116.77