Linus Pauling

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Linus Pauling.

Si Linus Carl Pauling (Pebrero 28, 1901Agosto 19, 1994) ay isang Amerikanong siyentipiko, aktibistang pangkapayapaan, may-akda, at edukador. Isa siya sa pinakamahalagang kimiko sa kasaysayan at sa hanay o ranggo ng pinakaimportanteng mga siyentipiko sa kasaysayan.

Isa si Pauling sa unang mga siyentipikong may isinagawa sa mga larangan ng kimika ng kuwantum, biyolohiyang molekular, at medisinang ortomolekular. Isa siya sa maliit na pangkat ng mga taong nagawaran ng mahigit sa isang Premyong Nobel; at isa sa dalawa lamang na mga taong tumanggap nito para sa magkaibang mga larangan (si Marie Curie ang isa pa); at ang natatanging tao sa pangkat na iyon na nagawaran ng ganitong mga gantimpala na walang kahating ibang nagwagi.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Dunitz, p. 222.




Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.