Lu Xun

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa nangungunang heneral sa ilalim ng Kaharian ni Wu noong panahon ng Tatlong Kaharian sa sinaunang Tsina, tingnan Lu Xun (Tatlong Kaharian).
Zhou Shuren
Sagisag-panulat Lu Xun
Trabaho Nobelista, manunulat ng sanaysay
Nasyonalidad Tsino
Panahon 1918-1936

Si Lu Xun (Tsinong tradisyunal: 魯迅; Tsinong payak: 鲁迅; pinyin: Lǔ Xùn), Lu Hsun[1], o Lu Hsün (sa sistemang Wade-Giles), ay ang pangalang pang-pluma, palayaw, o taguri kay Zhou Shuren (Tsinong tradisyunal: 周樹人; Tsinong payak: 周树人; pinyin: Zhōu Shùrén; Wade-Giles: Chou Shu-jen) (Setyembre 25, 1881Oktubre 19, 1936), na isang pangunahing manunulat na Intsik nong ika-20 dantaon. Tinuturing na tagapagtatag ng makabagong panitikang baihua (白話), isa siyang manunulat ng maiikling kuwento, namamahalang patnugot, tagapagsalin, manunuri at sanaysayista. Isa siya sa mga tagapagtatag ng Liga ng mga Makakaliwang mga Manunulat ng Tsina sa Shanghai.

May malaking impuwensiya ang mga gawa ni Lu Xun matapos ang Kilusang Mayo Ika-apat hanggang sa puntong ipagbunyi't ituring na mahalaga ng rehimeng Komunista pagkalipas ng 1949. Habang-buhay na naging tagahanga ng mga akda niya si Mao Zedong. Bagaman simpatetiko o may-pagkakahilig sa kilusang Komunistang Intsik at kapuna-punang isang sosyalista lalo na sa kaniyang mga gawa, hindi siya mismong sumali sa Partidong Komunista ng Tsina.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]