Magnifico (pelikula)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Magnifico
Direksiyon Maryo J. De los Reyes
Isinulat ni Michiko S. Yamamoto
Mga gumanap Tingnan ang talaan
Petsa ng pagpapalabas 2003
Oras ng pagpapalabas 120-122 min
Bansa Pilipinas
Wika Tagalog, Filipino

Ang Magnifico[1] ay isang pelikulang nagmula sa Pilipinas. Hinggil ito sa isang siyam na taong gulang na batang nagngangalang Magnifico, ang pinagbatayan ng pamagat ng pelikula.[2] Si Maryo J. De los Reyes ang direktor ng pelikulang kinabibidahan nina Albert Martinez, Lorna Tolentino at Jiro Manio (bilang Magnifico).[1] Nilalarawan ang pelikula bilang isang malungkot na pelikulang dula at pangmag-anak. Nagwagi ang pelikula ng Gantimpalang Jury (ng Kinderfilmfest) mula sa Pandaigdigang Kapistahang Pampelikula sa Berlin (Berlin International Film Festival).[3][4] Sinulat ang kuwento ni Michiko S. Yamamoto.[5] Pinarangalan din ang panoorin bilang pinakamahusay na pelikula ng Star, FAMAS, FAP, at URIAN noong 2004.[4] Itinanghal rin ito sa lungsod ng New York noong Hunyo 2005.[3]


Balangkas[baguhin | baguhin ang batayan]

Nang mawala ang tulong na guguling pampag-aaral ng kaniyang kapatid na lalaking si Miong, nagsimulang mawalan na rin ng pag-asa ang mga magulang (ginanapan nina Albert Martinez at Lorna Tolentino) ni Magnifico, sapagkat hindi na nila alam kung paano pa sila makakaahon pa sa kahirapan.[3][4] Nagmula si Magnifico sa isang nayon ng Lumban, Laguna, na inibig tumulong sa kaniyang mga magulang, sapagkat may sakit na kanser ang kaniyang lola (ginanapan ni Gloria Romero). Bukod sa nawala ang tulong na panggugol pampag-aaral ng nakatatandang kapatid na lalaki (ginananapan ni Danilo Barrios), may sakit ding cerebral palsy ang kapatid pa niyang babaeng si Ellen (Isabella De Leon).[5][6]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Magnifico sa IMDb.com
  2. Magnifico, CineFilipino.com
  3. 3.0 3.1 3.2 Magnifico, Ulat mula sa Konsulado Heneral ng Pilipinas, IATV.tv (PDF)
  4. 4.0 4.1 4.2 Ulat hinggil sa Magnifico, The Imaginasian Presents New York Film Festival on June 10, 2005, The Imaginasian - News Release, 12 Mayo 2005, PCGNY.net
  5. 5.0 5.1 LeVasseur, Andrea. "Magnifico," All Movie Guide, StarPulse.com
  6. Magnifico, pagsusuring pampelikula, CBCPWorld.com, Pebrero 14, 2003



PelikulaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.