Makinang panahi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang makinang pantahi na gawa ng kompanyang Singer.
Larawan ng kabuoan ng isang makinang pantahi.

Ang makinang panahi o aparatong pantahi ay isang aparatong pambahay o pangpabrika na ginagamit sa pagtahi ng mga damit, sapatos, o ibang pinaggagamitan ng tela at sinulid katulad ng punda ng unan at kobrekama.

Mga Bahagi ng Makinang panahi

  1. Spool pin - lagayan ng karete ng sinulid na pang-itaas.
  2. Presser foot- umiipit sa tela habang tinatahi.
  3. Tension regulator - bahaging nagpapaluwag o nagpapahigpit ng tahi.
  4. Thread guide - gabay sa sinulid mula sa spool pin hanggang sa karayom upang hindi mawala sa lugar.
  5. Thread take up lever - humihila sa sinulid na panahi sa tela.
  6. Needle clamp - humahawak sa karayom ng makina.
  7. Presser bar lifter - nagbaba o nagtataas ng presser foot.
  8. Feed dog - bahaging nasa ilalim ng presser foot na nagtutulak sa tela habang ito ay nagtatahi.
  9. Bobina o bobbin - lagayan ng pang-ilalim na sinulid.
  10. Bobbin case - kaha na lalagyan ng bobina.
  11. Balance wheel - gulong sa ibabaw na hinahawakan ung sisimulan ang pagpapaandar o ihihinto ang pananahi.
  12. Stop motion screw - ang malaking turnilyio na nakakabit sa balance wheel na siyang nagpapahinto.
  13. Bobbin winder - kidkiran ng sinulid sa bobina.
  14. Stitch regulator - bahaging nagpapaikli o nagpapahaba sa tahi.
  15. Belt - koriyang nag-uugnay sa balance wheel at drive wheel.
  16. Drive wheel - malaking gulong na pang-ilalim.
  17. Treadle - tapakan na nagpapaandar sa malaking gulong habang nananahi.
  18. Belt guide - pumapatnubay sa koriya upang hindi ito mawala sa lugar