Manny Pacquiao

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Manny Colendra Pacquiao
Manny Pacquiao.jpg
Estadistika
Tunay na pangalan Emmanuel Dapidran Pacquiao
Palayaw Pac-Man
Fighting Pride of the Philippines
The Mexicutioner / The Destroyer
Pambansang Kamao
Bigat Welterweight
Light Welterweight
Lightweight
Super Featherweight
Featherweight
Super Bantamweight
Flyweight
Nasyonalidad Flag of the Philippines Pilipino
Petsa ng kapanganakan 17 Disyembre 1978 (1978-12-17) (36 taong gulang)
Lugar ng kapanganakan Kibawe, Bukidnon, Philippines
Istilo Southpaw[1]
Rekord sa boksing
Bilang ng mga laban 63
Panalo 56
Panalo sa KO 38
Pagkatalo 5
Tabla 2

Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, (isinilang noong 17 Disyembre 1978), ay isang Filipino propesyunal na boksingero at politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon [2] at nanalo ng sampung titulo, unang nakakamit ng panalo sa Lineal Championship sa apat na ibat-ibang klase ng timbang[3].

Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong dekada 2000 ng Boxing Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses naging "Fighter of the Year" sa mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAAA. Best Fighter ESPY Award rin sya noong 2009 at 2011.[4]

Si Pacquiao ay may titulong Kampeon ng IBO World Junior Welterweight, Kampeon ng WBC World Lightweight, Kampeon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampeon ng WBC World Super Featherweight, Kampeon ng The Ring World Featherweight, Kampeon ng IBF World Junior Featherweight at Kampepn ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion.

Tinalo at pinatumba na ni Pacquiao ang mga boksingero na sina Chatchai Sasakul, Lehlohonolo Ledwaba, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Márquez, Érik Morales, Óscar Larios, Jorge Solís, David Díaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito at Shane Mosley.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:


Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]



TalambuhayPilipinasPalakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pilipinas at Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.