Mark Twain

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Mark Twain. 1895

Si Samuel Langhorne Clemens (Nobyembre 30, 1835Abril 21, 1910),[1] na mas kilala sa kanyang pangalan sa pagsusulat na Mark Twain, ay isang Amerikanong may-akda at humorista. Higit na kinikilala si Twain dahil sa kanyang mga nobela sa wikang Ingles na Adventures of Huckleberry Finn, na malaon nang tinaguriang Dakilang Nobelang Amerikano,[2] at The Adventures of Tom Sawyer. Malawakan sinisipi ang kanyang mga panulat at pananalita.[3][4] Sa kahabaan ng kanyang buhay, naging kaibigan si Twain ng mga pangulo, mga artista ng sining, mga industriyalista, at maharlikang Europeo.

Nagtamasa si Twain ng matinding katanyagan mula sa madla. Dahil sa kanyang masinsing katalinuhan at matalas na satiro o panunuya, nagkamit siya ng papuri mula sa mga manunuri at mga kasama. Tinawag siya ni William Faulkner bilang "ang ama ng panitikang Amerikano".[5]

Mga sanggunian[baguhin]