Mary Shelley

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mary Shelley
Si Mary Shelley. Ang larawang ito ay ipininta noong 1840.
Kapanganakan Mary Wollstonecraft Godwin
30 Agosto 1797
Londres
Kamatayan 1 Pebrero 1851
Londres
Pagkamamamayan United Kingdom
Hanapbuhay Manunulat, may-akda, nobelista
Asawa Percy Bysshe Shelley
Mga magulang William Godwin
Mary Wollstonecraft

Si Mary Wollstonecraft Shelley (30 Agosto 1797 – 1 Pebrero 1851), na ipinanganak bilang Mary Wollstonecraft Godwin, ay isang Inglesang nobelista, manunulat ng maikling kuwento, dramatista (mandudula), mananaysay, biyograpo, at manunulat ng paglalakbay, na pinaka nakikilala dahil sa pagsulat niya ng nobelang Gotiko na Frankenstein: or, The Modern Prometheus (Si Frankenstein: o, Ang Modernong Prometeo). Pinatnugutan at itinaguyod din niya ang mga akda ng kaniyang asawang makatang Romantiko at pilosopong si Percy Bysshe Shelley. Ang kaniyang ama ay ang pilosopong pampolitika na si William Godwin, at ang kaniyang ina ay ang pilosopo at peministang si Mary Wollstonecraft.
TalambuhayPanitikanInglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.