Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon (Ingles: Quezon City Science High School, kilala rin bilang QCSHS o simpleng Kisay) ay isang mataas na paaralang pang-agham para sa Lungsod Quezon na matatagpuan sa kanto ng mga kalyeng Golden Acres at Misamis, Bago Bantay, Lungsod Quezon. Itinatag noong 1967, natalaga noong 1998 bilang ang Panrehiyong Mataas na Paaralang Pang-Agham para sa Pambansang Punong Rehiyon (RSHS-NCR, daglat sa Ingles). Isa ito sa mga nangunguna sa larangan ng mga kompetisiyon sa matematika bilang kabilang sa mga paaralang may magagandang rekord sa MTAP (isang paglisahan sinusuporthan ng Kagawaran ng Edukasyon) sa nakaraang sampung taon.[kailangan ng sanggunian]
Ang mataas na paaralan ay may hawak sa isa sa pinakamataas na bahagdan ng mga mag-aaral na pumapasa sa mga nangungunang kolehiyo sa Pilipinas tulad ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Pamantasang Ateneo de Manila.[kailangan ng sanggunian] Nakapasa rin ang halos lahat ng mga mag-aaral sa sari-saring programang pang-iskolar, hindi lang ang sinusuportahn ng pamantasan, kundi pati iyung mga sinusuportahan ng pamahalaan. Sa kasalukuyan, ang Kisay ang may hawak ng pinakamataas na puwesto sa Division Achievement Test (Dibisyong Pagsusulit ng Nakamit) sa Lungsod ng Quezon.
Mayroon ring dalawang inilalathalang pahayagan ang paaralang ito: ang The Electron, at Ang Banyuhay, kung saan ang Kisay ay isa sa mga pambansang namumuno at nangongolekta ng mga premyo sa mga patimpalak.
Simula noong pasukan ay binago na ang pangkatan nito. Mula sa mga pangalan ng mga siyentipiko ay pinalitan ito ng Hydrogen, Helium, Fluorine, Nitrogen, Xenon, Neon at Krypton para sa ikatlo at ikaapat na taon. Sa ikalawang taon ay may dagdag na pangkat Argon. SAmantalang sa unang taon na man ay nagdagdag ng mga pangkat Argon at Radon.
Aplikasyon/Pagpasok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Upang makakuha ng pagsusulit sa pagpasok, ang mga aplikante ay nararapat na magkaroon ng markang 85 o pataas sa mga pangunahing asignatura (Matematika, Agham, at Ingles) at markang 83 o pataas sa mga 'di-pangunahing asignatura. Nahahati sa tatlong parti ang aplikasyon. Una, kinakailangang makakuha ng gradong hindi bababa sa 75 bahagdan ang mga aplikante. Ikalawa, nararapat na ang mga aplikante ay kabilang sa 250 na kumuha ng pagsusulit na mayroong pinakamataas na grado. Ikatlo, makikipanayam ang mga aplikante sa iba't ibang mga guro ng paaralan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naisip ni Dra. Hermingilda G. Margate, na noo'y ang Division Science Supervisor (Tagamasid ng Dibisyong Agham), ang pagtayo ng mataas na paaralang pang-agham sa Lungsod ng Quezon. Ipinahayag ang ideyang ito ni Ginoong Alfredo J. Andal, na noo'y ang City Schools Superintendent (Tagapamahala ng mga Paaralan ng Lungsod) sa taong 1967. Sa lalong huli, noong 1997, itinalaga ng Kagawaran ng Edukasyon (Pambansang Punong Rehiyon) sa Lungsod ng Quezon ang pang-agham na mataas na paaralan ng lungsod bilang ang Pangreyihong Mataas na Paaralan ng Siyensiya para sa Pambansang Punong Rehiyon o Regional Science High School for the National Capital Region.
Ipinagdiwang ang pang-apatnapu na anibersaryo ng pagkakatatag ng pamantasan noong 17 Setyembre 2007 at ipinangalan ang hintayan ng Gusaling Pangasiwaan, na Margate Hall (Bulwagang Margate), sa karangalan ng tagapagtaguyod, na si Dra. Hermingilda G. Margate. Ang kanyang anak na si Ryan ang naghayag ng bagong palatandaan para sa nasabing gusali.
Ang Punong Guro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Sir Guiliver Eduard Van Zandt ang kasalukuyang Punong Guro ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon. Siya ay nanggaling sa Mataas na Paaralan ng Lungsod Quezon (QCHS). Pinalitan niya ang principal ng 'Quesci' sa nakaraang dalawang taon at mahigit dalawang buwan na si Ma'am Edna Bañaga.
Opisyal na awitin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuo ang opisyal na awitin ni Gng. Aurora Sison, na noo'y tagapangulo ng Departamento ng MAPEH-CA ng paaralang ito. Isinaayos ito ni Jose Miguel Aspiras, isang mag-aaral na nagtapos noong 2007, sa apat ng parte.
ALMA MATER
Alma Mater, dear and beloved Fountain of truth and light United and dedicated To you we'll ever be
To distant lands we may go Searching for truth and the unknown To the we pledge our loyal hearts and souls Quezon City Science High School
Ugnay panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Public and Science High Schools Bag Major Awards in NCR Science Fair Naka-arkibo 2008-01-10 sa Wayback Machine.
- Pinoy teens hold sway in science tilt Naka-arkibo 2005-09-23 sa Wayback Machine.
- 16 DepEd administered regional science schools listed Naka-arkibo 2004-05-17 at Archive.is
- History of Quesci