Mga Filisteo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ayon sa Tanakh, ang limang mga siyudad ng Filisteo ang Gaza, Ashdod, Ashkelon, Ekron at Gath.

Ang Mga Filisteo (Ingles: Philistines) ay mga sinaunang lipi ng tao na nanirahan sa katimugang Canaan mula ika-12 siglo BCE hanggang 604 BCE nang ang kanilang politiya ay napailalim sa maraming siglo ng Imperyong Neo-Asiryo at sa huli ay winasak ni Nabucodonosor II ng Imperyong Neo-Babilonyo.[1] Pagkatapos maging bahagi ng kanyang imperyo at ang sumunod ritong Imperyong Akemenidaa, ang mga Filisteo ay nawalan ng natatanging pagkakakilanlang etniko at naglaho sa historikal rekord noong ika-5 siglo BCE.[2] Ayon sa Tanakh, ang mga Filisteo ay kalaban ng mga Israelita. Ang pag-iral ng mga Filisteo ay napatunayan sa mga relief sa sa templo ni Ramses III sa Medinet Habu kung saan sila tinawag na Peleset[a] (tinanggap na kaugnay ng Hebreong Peleshet);[3] ang katulad na katawagang Asiryanong Palastu,[b] Pilišti,[c] o Pilistu.[d][4]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. St. Fleur, Nicholas. 2019. "DNA Begins to Unlock Secrets of the Ancient Philistines." New York Times.
  2. Meyers 1997, p. 313.
  3. Raffaele D'Amato; Andrea Salimbeti (2015). Sea Peoples of the Bronze Age Mediterranean c.1400 BC-1000 BC. Bloomsbury Publishing. pp. 30–32. ISBN 978-1-4728-0683-3.
  4. Hans Wildberger (1979) [1978]. Isaiah 13-27: A Continental Commentary. Sinalin ni Thomas H. Trapp. Fortress Press. p. 95. ISBN 978-1-4514-0934-5.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2